Mark

Mark at Nicole pinag-iipunan pa ang church wedding

September 20, 2021 Aster Amoyo 296 views

MR. & Mrs. Mark Herras na ang actor-dancer na si Mark Herras (34) at ang dating beauty queen-turned actress na si Nicole Donesa (27) matapos ikasal ang dalawa sa isang civil wedding last September 8, 2021, kaarawan ni Virgin Mary. It was officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang tanggapan sa Quezon City Hall.

Si Nicole ay nanalong 3rd Princess sa Miss World Philippines nung 2014 bago ito naging Kapuso actress habang si Mark ay produkto ng talent reality search ng GMA, ang Starstruck: Season 1 kung saan siya ang nanalong kauna-unahang Ultimate Male Survivor along with Jennylyn Mercado na siya namang nagwaging Ultimate Female Survivor in 2004.

Bago nabuo ang relasyon nina Mark at Nicole ay naging kasintahan ng una ang actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez (anak ng dating mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno) at tumagal ang relasyon ng dalawa ng dalawang taon. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa nung early part ng 2019. On the same year ay nagkatrabaho sina Mark at Nicole sa TV series ng GMA, ang “Bihag” kung saan nagkaroon ng instant attraction sa dalawa hanggang maging sila nung June 2019. In less than a year, the two got engaged in 2020 at nung September 2020 ay kanilang ibinahagi sa publiko na magkakaroon na sila ng baby. On January 31, 2021 ay isinilang ang kanilang first baby na si Mark Fernando na may palayaw na Corky.

Si Nicole ay laking Amerika pero bumalik ito ng Pilipinas nang mag-desisyon siyang sumali sa Bb. Pilipino beauty pageant in 2013. A year later ay sumali siya sa Miss World Philippines kung saan siya nanalong 3rd Princess in 2014. Bukod sa acting, si Nicole ay isa ring singer.

Ayon sa mag-asawa, pag-iipunan umano nila ang kanilang church wedding, hopefully next year where they plan to invite their respective families and close friends.

Miss Universe may bayad na ang panonood

HINDI matutuloy sa darating na September 25, 2021 ang coronation night ng 2021 Miss Universe at sa halip ay magkakaroon ito ng bagong schedule to be to announced soon. But prior to the coronation night, may bagong schedule na inilatag ang Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na pinamumunuan ng national director at 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee (35). It was in 2019 when Shamcey was appointed national director ng MUPO ng Miss Universe Organization based in New York, USA.

Simula sa darating na September 23 (Thursday) ay mapapanood sa YouTube channel ng MUPO ang national gown competition habang ang premiminary interview sa contestants ay mangyayari on September 24 (Friday) at mapapanood sa KTX.Ph. On September 26 (Sunday) ay magaganap ang preliminary swimsuit and evening gown competition na mapapanood din sa KTX.Ph habang ang September 29 (Wednesday) ay last day ng Lazada voting.

Since subscription-based ang KTX.Ph, magbabayad na ngayon ang mga manonood to access to the various preliminary competitions ng Miss Universe Phlippines.

MarvinMarvin banana cake ang pinagkakaabalahan

WALANG ibinigay na dahilan kung bakit hindi tinanggap ng actor and restaurateur na si Marvin Agustin ang romantic-comedy series na “Hoy, Love You” na napunta sa dating magkasintahan at magka-loveteam na Roxanne Guinoo at Joross Gamboa. The series was originally intended for former loveteam Jolina Magdangal at Marvin who was said to have backed out from the project.

Dahil sa tagaumpay ng unang season ng “Hoy, Love You” ay nasundan ito ng Season 2.

While Jolina is very much visible dahil araw-araw itong napapanood sa kanilang daily morning show nina Karla Estrada at Melai Cantiveros, ang “Magandang Buhay” sa Kapamilya network, si Marvin naman ay matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon at maging sa pelikula. Mas tutok ito sa kanyang various restaurant businesses.

During this pandemic where most of the restaurants closed down and some diversified into delivery service, si Marvin naman ay nag-venture din into baking cakes for delivery habang ang kanyang mga restaurant business are suffering from continued losses. Being a chef himself, nag-experiment ang actor-chef and entrepreneur sa pagbi-bake ng banana and carrot cakes at iba pang pastries at ito’y nag-click .

Nag-aral siya sa International School for Culinary Arts and Hotel Management and eventually ventured into the restaurant business with his friends na nasa ganitong industriya na. Nang maging successful ang restaurant business ng actor, he further his studies by taking business management course sa Asian Institute of Management and took his graduate school sa Ateneo Graduate School of Business. Nag-aral din siya sa CAP College Foundation, Inc.

Although wala pang sariling pamilya si Marvin, he has two teenage sons, ang twins na sina Sebastian at Santiago Dy Cuyugan (16) courtesy of his non-showbiz ex-girlfriend na si Tetet Dy na nagmula sa pamilya ng mga prominent politicians in the North.

Jerika may bagong baby

FINALLY, it’s a baby girl for couple Jerika Ejercito-Aguilar and her Spanish national husband na si Miguel Aguilar matapos isilang ang kanilang pang-apat na anak last September 18, 2021 na si Marta Eleanor. Ito bale ang pang-apat na anak ng mag-asawa got who married in August 2017. Ang mag-asawa ay may tatlong sons na sina Daniel, Michael at Moses. May 7-year-old son naman si Jerika sa actor na si Bernard Palanca na si Isaiah Joseph kaya pang-lima na niyang anak si Baby Marta Eleanor.

Si Jerika ay panganay sa tatlong anak ni dating Pangulo at former Manila Mayor na si Joseph `Erap’ Estrada sa dating actress-entrepreneur na si Laarni Enriquez. Siya’y nakatatandang kapatid ng actor na si Jake Ejercito at younger brother nitong si Jason Ejercito.

Samantala, kung si Jerika ay meron nang limang anak, si Jake naman ay may isang anak (out of wedlock) sa Siargao-based actress na si Andi Eigenmann na si Ellie, now 9 yeara old.

Kahit matagal nang hiwalay sina Jake at Andi (na engaged na sa kanyang present partner and father of her two kids na si Philmar Alipayo), nananatiling loveless and single pa rin hanggang ngayon si Jake who made a go sa kanyang showbiz career after nitong tapusin ang kanyang pag-aaral sa London and took his masters sa Singapore.

May suspetsa kami na isa sa mga araw na ito ay papasukin din ni Jake ang larangan ng pulitika, just like his father, half-siblings, uncles and cousins.

Subscribe, like and share #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE