Ara at Dave

Ara at Dave, destiny ang isa’t isa

September 20, 2021 Ian F. Fariñas 357 views

Magtatatlong buwan nang kasal sina Ara Mina at Dave Almarinez sa September 30.

Pero, parang mag-jowa pa rin ang dalawa base sa mga picture na nakikita ko sa kanilang Instagram.

Para pa rin silang mag-boyfriend-girlfriend. Ganyan siguro talaga ’pag natagpuan mo na ang bigay ng Panginoon na makakatuwang mo sa iyong buhay, habambuhay.

Imagine, may mga pinagdaanan ding failed relationships noon si Ara, pero ayaw niya tawaging “failed” ito dahil baka hindi lang talaga sila ang itinadhana.

Sa mga dating pag-ibig naman ng actress-entrepreneur, nakabuo siya ng maganda, bibo at matalinong anak na babae, si Mandy.

Kuwento nga niya sa amin tungkol sa anak, “Alam mo noon, okay na sa akin na tumandang dalaga kasi ’andiyan na si Mandy. Feeling ko, buo na ang pagkababae at pagkatao ko noon dahil may baby girl na ako.

“’Yung mga nakakababata kong kapatid, may buo nang pamilya. Akong ate nila, wala pa. Noong 40 years old ako, nag-celebrate nga ako with a small gathering with my closest friends and family, pero ang laging tanong sa akin, may kulang pa ba raw.

“May business na ako, may Mandy, tapos napaisip ako, baka nga ’yung destiny ko ang kulang.”

Hanggang sa dumating sa buhay ng aktres si Dave.

Hindi naman daw niya crush ang kanyang mister dati. Ito’y base sa marriage vow ni Ara sa kanilang kasal. Pero, masugid daw itong nanligaw sa kanya.

Kahit sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic, gumagawa pa rin si Dave ng paraan upang maiparamdam kay Ara kung gaano siya kahalaga sa buhay niya.

Paglalarawan ng aktres sa kanyang mister, “Bukod sa pagiging mabait at matalino, mahusay din siya sa kanyang mga ginagawa sa buhay.

“Bukod pa riyan, dalisay talaga ang kanyang intention at gusto niya na may mga pagkakaabalahan sa buhay para sa kanya, sa pamilya at sa mga taong minsan ay napag-aabutan niya ng mga tulong sa kanyang sariling kakayahan.”

Kaya maituturing na tunay silang magka-destiny sa buhay. Ang baby naman kaya, kailan?

AUTHOR PROFILE