Rez Cortez.

Rez, ligtas na sa kanser

September 20, 2021 People's Tonight 350 views

CANCER-FREE na ang aktor na si Rez Cortez.

Inanunsiyo ito ng anak niyang si Cai Cortez sa kanyang social media account.

Sa video sa kanyang Instagram, saad ni Cai, “But I am happy to announce that daddy si cancer free!”

“Praise the Lord!” sey naman ni Rez.

Sumailalim sa operasyon si Rez matapos magsuspetang may liver cancer.

BEKS BATALLION, JACKPOT SA PUWET NI MARCO

MATAPANG sa pagpapakita ng puwet ang baguhang si Marco Gallo.

Naglabas si Marco ng maputi niyang wetpaks sa Viva movie niyang Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso.

Jakcpot naman ang bumubuo ng Beks Batallion, kabilang si Lassy, dahil kitang-kita nila ang makinis na puwet ni Marco na kasama nila sa eksena, huh!

Eh ‘yung “birdie” kaya ni Marco, handa niyang ipakita, IF? Hehehehe!

CLOWN NI MISIS

IBINAHAGI ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang isang sweet video nila ng asawanag si Melissa Gohing kaugnay ng kanilang fourth anniversary bilang couple last September 19.

Bahagi ang lead actor sa GMA series na To Have and To Hold, “Sana ganito tayo palagi. Mahal kita.”

Humingi rin ng paumanhin ang aktor sa shortcomings niya at nangakong mananatiling clown ng buhay ng misis niya upang patawanin siya.
Tugon naman ni Melissa, “I love you mi amor.”

Jun Nardo

AUTHOR PROFILE