Mark Herras & Nicole Donesa

Mark, ayaw maging bastardo ang anak

September 20, 2021 Vinia Vivar 326 views

Kasal na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Ni-reveal nila ito sa kani-kanilang Instagram account last Sunday kasabay ng paglabas ng wedding vlog nila sa YouTube.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng Kapuso couple noong September 8, kasabay ng pagdiriwang ng Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary.

Ikinasal sila via civil ceremony sa opisina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na siyang nag-officiate ng wedding.

Nag-post ang newlyweds ng kanilang wedding photos at ang simpleng caption ni Mark ay, “got married.”

Caption naman ni Nicole naman, “We tied the knot on Mama Mary’s birthday…”

Sa kanilang vlog ay makikitang napaka-simple nga lang ng kasal at iilang tao lang ang present dahil na rin siyempre sa safety protocols.

Ayon sa mag-asawa, nagdesisyon silang magpakasal sa huwes dahil gusto nilang i-legalize ang kanilang pagsasama at siyempre, alang-alang din sa kanilang baby na si Corky na seven months old na ngayon.

“This is all for Corky. Hindi na siya ano, hindi na siya alien,” sabi ni Nicole na natatawa. “Legit na,” dagdag niya.

“Hindi na siya bastardo,” sabi naman ni Mark.

“And we also had to make things legal na. Kaya kami nagpakasal is marami kaming aasikasuhin na hindi namin pwedeng sabihin dito, they are private matters na,” sey pa ni Nicole.

Originally ay church wedding ang balak nila talaga but because of the pandemic ay hindi raw nila ito magawa.

“Kasi kung sakaling ipilit namin ‘yung church wedding, marami ring ‘di makakapunta,” sabi ni Mark.

But definitely ay magpapakasal daw sila sa simbahan soon.

“We’re saving the big celebration for the church wedding, we just don’t know when,” ani Nicole.

Ayon naman kay Mark, hindi pa raw nila masabi kung kailan ang church wedding but hopefully ay soon at sana nga ay matapos na ang pandemic.

TROLLS, BINARA

Iwa Moto

Matapang at palaban talaga itong si Iwa Moto noon pa man na siyang hinahangaan sa kanya ng mga tao. Kapag kinanti mo siya o ang mga mahal niya sa buhay ay talagang lumalabas ang mga pangil niya para labanan ang mga ito.

Bukod sa dugong Hapon, parang taglay na rin nitong si Iwa ang dugong Caviteña sa pagiging matapang.

Lately nga ay napapalaban na naman si Iwa dahil ang daming trolls na namba-bash kay Sen. Panfilo Lacson, ama ng partner niyang si Pampi Lacson.

As we all know ay tatakbong Presidente sa 2022 elections si Sen. Ping ka-tandem si Senate President Tito Sotto.

Sa isang post nga ni Iwa tungkol kay Sen. Ping ay kinuyog ito ng trolls and bashers at talagang hindi ito pinalampas ng StarStruck alumna.

“Kung maka-judge kayo kala mo napaka linis. Tapos puro naman trolls!!! Dun kayo mag rant sa page nyo wag sa page ko,” pambabara ni Iwa sa trolls.

“Pasalamat ka bored ako now kaya pinansin kita. Pero again share your opinion sa platform mo! Not here! Plus hindi naman ako tumatakbo ah bakit sakin mo sinasabi yan?” sabi pa ni Iwa.

Sabagay, noon pa man ay target na ng mga bayarang trolls, sina Ping at Tito Sen kahit hindi pa sila nagdedeklarang tatakbong President at VP sa 2022.

Eh, di lalo na ngayon.

Kaya ‘wag na kayong magtaka makikita ninyong nakikipagsagutan si Iwa sa mga basher nina Ping at Tito Sen sa mga darating na araw dahil hindi talaga sila uurungan ng aktres.

AUTHOR PROFILE