BBM Ang mag-asawang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos ay malapit sa mga kababayan nating mga mahihirap partikular na yung mga inabandona o iniwan na ng kanilang pamilya.

Marcos couple malapit sa mahihirap

October 17, 2022 Erwin Tulfo 595 views

TulfoLINGID sa kaalaman ng karamihan na ang mag-asawang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos ay malapit sa mga kababayan nating mga mahihirap partikular na yung mga inabandona o iniwan na ng kanilang pamilya.

Dinalaw ni First Lady Liza Marcos ang mga bata at matatanda na may mental health disorder sa Elsie Gaches Village (EGV) sa Muntinlupa.

Dama kay Madam Liza ang kalungkutan ng makita ang mga bata na nag-perform ng sayaw sa harap nya.

Ilang beses itong napaluha at nagpunas ng mata nya lalo ng isa-isa na nyang binigyan ng regalo ang bawat isa.

Galing sa mayamang angkan si Maam Liza at ito ay isang successful na abogado bago ito maging Unang Ginang.

Pero ganun na lang ang pagkagulat ng marami ng makita lumuluha siya ng makasama ang mga may kapansanan.

Pinakyaw ni Mrs. Marcos ang mga arts and crafts na gawa ng mga residente ng EGV.

Sinabihan din nya ang in-charge ng nasabing center na nasa ilalim ng pamamahala ng DSWD, na hikayatin pa ang mga residente na gumawa pa ng maraming souvenirs at ang Office of the First Lady ang bibili na ipamimigay nya sa mga dadalaw sa opisina nya.

At noong Setyembre na kaarawan ni Pangulong BBM, minarapat nitong ipagdiwang ang birthday sa isang bahay ampunan sa San Juan sa mga bata na inabandona ng kanilang magulang.

Kitang-kita ang pagkasabik ng Pangulo sa mga bata na edad tatlo hanggang 9 years old at kinandong nya ang ilan sa mga ito.

Tinanong din nya sila kung ano ang gusto nila paglaki sabay sabi na “mag-aral at magsikap at makakamit ninyo ang ano mang gusto ninyo”.

Malapit ang mag-asawa sa mga maliliit at mga may kapansanan natin na kababayan.

Marahil ito ang dahilan kung bakit 30 million ang pinili si BBM na mamuno dahil ramdam nila ang sinseridad nito.

AUTHOR PROFILE