Default Thumbnail

Manilenyo nagdarasal sa mabilis na paggaling ni Isko, Honey — Bagatsing

August 16, 2021 People's Tonight 291 views

INIHAYAG kahapon ng dating konsehal at ngayon ay negosyanteng si Don Ramon Bagatsing na nagdarasal ang mga Manilenyo para sa mabilis na kagalingan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Kasalukuyang naka-confine ngayon sa Santa Ana Hospital sina Mayor Isko at Vice Mayor Honey dahil sa COVID-19.

“Sila talaga ang nanguunga sa Laban kontra covid, I’ve seen them in action myself, silang dalawa yung starter na lumalaban, ayaw nila magpahinga. They lead by example. Kaya lahat ng frontliners sa Maynila ganado mag trabaho at handang isabak ang kanilang sarili para sa kapakanan ng iba” sabi ni Bagatsing.

Base sa latest report, mild lang ang simtomas ni Mayor isko, at si Vice Mayor Honey naman ay makakalabas sa susunod na mga araw.

Halos lahat ng mga hospital at quarantine facilities ay puno na ng mga taong may Covid-19, pero ang magandang balita ay puro mild lang ang simtomas at agad gumagaling.

“Alam na natin kung paano labanan ang covid, sundin lang natin mga protocols, please po. Magpabakuna po tayo agad,” sabi pa ni Bagatsing.

“Yorme and Honey are the Ultimate Frontliners. They are willing to risk their lives. That’s why Manila is praying, and we are all praying for their speedy recovery” pahayag pa ni Bagatsing.

AUTHOR PROFILE