Default Thumbnail

Malalaking pangalan sa TV at pelikula nagsama-sama sa pa-dinner ng kumpanya ni MVP

May 6, 2024 Jun Nardo 66 views

EXCITING ang pagsasama ng malalaking pangalan sa TV at movies sa MQuest Ventures dinner kamakailan.

Present ang Regal CEO na si Roselle Monteverde, MQuest boss at TV5 Chairman Manny Pangilinan, Vic del Rosario ng Viva Communications, Mike Tuviera, president at CEO ng APT Entertainment at ang Tito, Vic and Joey.

Dumalo rin si Film Development Council of the Philippines (FDCP) CEO/Chairman Joey Reyes at Regal Babies na sina Rob Gomes at Alexa Miro.

Naroroon din ang pamilya Muhlach nina Aga, Charlene, Andres at Atasha na magbibida sa family sitcom na Da Pers Family sa TV5 ngayong Mayo.

Walang detalyeng inilabas sa X ng Regal Entertainment pero nakasaad sa kanilang post na, “Cheers to forging stronger partnership and embracing the possibilities of tomorrow.”

Samantala, magbibida ang real-life couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza sa gagawing movie for Cinemalaya ng Regal na Love Child.

Ginagampanan nila sa pelikula ang papel ng mga magulang ng isang batang may autism.

AUTHOR PROFILE