Studio Screen grab mula ABS-CBN News video

Maintenance sa T3 simula na

April 4, 2024 Jun I. Legaspi 62 views

NAGSIMULA na noong Abril 2 ang power maintenance sa Manila International Airport Authority (MIAA) para mapalitan ang mga bumabagsak na medium voltage switchgear components sa walong electrical substations sa Terminal 3.

Tatagal hanggang May 28, 2024 ang maintenance.

Gagawing sectoral at makakaapekto sa open at multilevel parking, substations sa South at North concourses at sa main substation ng Terminal 3 ang power shutdowns.

Maglalagay ang MIAA ng standby generator sets sa bawat substation para sa uninterrupted power supply sa critical airport systems na naniniguro sa patuloy na proseso ng mga pasahero at mga biyahe.

Inaasahan ang reduced air conditioning supply sa ilang lugar gayundin sa mga elevators at escalators na posibleng hindi gumana sa ilang pagkakataon.

Tiniyak ng MIAA na mananatili silang committed na makumpleto ang mga kailangang upgrades sa gitna ng power interruptions sa proyekto.

Una nang nagkaroon ng interruption noong November 29 hanggang December 13, 2023 na nakaapekto sa NAIA Terminal 3.

Nananawagan si MIAA General Manager Eric Jose Ines ng pang-unawa at suporta sa lahat ng airport users.

AUTHOR PROFILE