Crime

Vulcanizing boy binoga, buhay

April 4, 2024 Edd Reyes 118 views

AGAW-buhay ngayon ang trabahador ng vulcanizing shop na binaril ng rider matapos ang pagtatalo noong Miyerkules sa Valenzuela City.

Nakaratay pa sa Valenzuela City Medical Center si Jeroen Jimenez, 32, stay-in tireman ng Nitudas Vulcanazing Shop sa 6022 Tatalon St., Mindanao Avenue, Brgy. Ugong dahil sa isang tama ng bala.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakaupo sa harap ng vulcanizing shop ang biktima nang dumating ang mga suspek dakong alas-9:40 ng gabi at sumigaw ng katagang “P—-ina mo, huwag ganyan” bago pinagbabaril ang biktima.

Bago ang pamamaril, may nakasagutan ang rider at biktima na hindi nasiyahan sa serbisyo nang muling ma-flat sa hindi kalayuan ang kanyang gulong.

Sa kainitan ng pagtatalo, ipinabalik ng biktima sa kasama ang ibinayad ng rider kaya’t itinulak na lang nito ang motorsiklo palayo na patungo sa direksiyon ng Caybiga, Caloocan City.

Makaraan ang humigit-kumulang sa isang oras, dalawang lalaking angkas ng motorsiklo na nakaitim na long sleeves at itim na helmet ang dumating at pinagbabaril ang biktima.

AUTHOR PROFILE