PDL Ang mga PDLs, habang nagsasanay sa paggawa ng de kalidad na pagkain. Larawan mula sa Caloocan PIO

Mahigit 60 PDLs sumailalim sa pagsasanay ng PESO, CCMTC sa paglikha ng de kalidad na pagkain

March 23, 2024 Edd Reyes 137 views

MAHIGIT 60 persons deprived of liberty (PDLs) na nakadetine sa Caloocan City Jail ang binigyang ng pagkakataonng lumahok sa livelihood training program ng Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC) at ng Public Employment Service Office (PESO) ng pamahalaang lungsod.

Kabilang sa mga ituturo sa mga PDLs ang pagsasanay sa paggawa ng kalidad na pagkain na magbibigay sa kanila ng oportunidad na kumita sa wastong paraan at makatulong sa muli nilang pagbabalik sa lipunan.

Binigyang diin ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang livelihood program ng lokal na pamahalaay ay nakatuon sa mga mahihinang sektor ng lipunan kaya pinasalamatan niya ang PESO, CCMTC, at the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagtulong sa mga PDLs na tahakin ang bagong landas ng kanilang buhay

“Batid natin na ang mga kababayan nating PDL ay kasama sa mga vulnerable sectors sa ating lungsod kaya naman dapat lamang na mabigyan na sila ng kaalaman na maaari nilang magamit upang kumita sa isang legal, ligtas, at marangal na paraan,” pahayag ni Mayor Along.

“Nagpapasalamat po ako sa pagtutulungan ng PESO, CCMTC, at BJMP upang gawing posible ang programang ito at ngayon pa lang ay bigyan na ng pagkakataon ang mga PDLs na simulan ang pagbabago ng kanilang buhay,” dagdag pa niya.

Tiniyak ni Mayor Along na nakatuon ang kanyang pamamahala sa malawak at wastong pagkakaloob ng hustisya sa pamamagitan ng pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga mapapatunayang umaabuso sa mamamayan habang kinikilala ang kanilang kapasidad bilang isang indibiduwal na may pagkakataon pang magbagong buhay.

“Lagi ko pong sinasabi na walang puwang ang masasamang-loob sa ating lungsod, ngunit nais ko ring bigyang-diin na ang ating mga programa ay para sa lahat ng sektor at patuloy nating binibigyan ng oportunidad ang mga Batang Kankaloo dahil naniniwala tayo kapasidad ng bawat isa na maging isang mabuting mamamayan,” pagtiyak pa ng alkalde.

AUTHOR PROFILE