Frasco3 Daan-daang kabataan sa Liloan, Cebu ang pinasaya ngayong Kapaskuhan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco at ng kaniyang kabiyak na si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco

Mag-asawang Frasco namahagi ng regalo sa 700 kabataan

December 15, 2023 Mar Rodriguez 176 views

FrascoFrasco1Frasco2BIGAY TODO ang paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ngayong Kapaskuhan kasama ang kaniyang kabiyak na si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco partikular na para sa mga kabataan sa kanilang lalawigan.

Walang mapagsidlan ng labis na kaligayahan ang 700 kabataan sa Liloan, Cebu matapos mamahagi ng regalo ang mag-asawang Frasco sa pamamagitan ng “Pasko sa Kabataan” celebration.

Sinabi ni Rep. Frasco na ang panahon ng Kapaskuhan ang natatanging araw para iparamdam sa mga kabataan ang pag-ibig, pagmamalasakit at pagkalinga ng pamahalaan sa pamamagitan nilang mga opisyal sa gitna ng usapin ng “mental health.”

Ayon kay Rep. Frasco, ang panahon ng Kapaskuhan ang espesyal na araw para sa mga kabataan upang maipadama sa kanila ang pag-ibig, malasakit at kalinga sa kabila ng ilan sa kanila ang hindi makapag-aral dulot ng matinding kahirapan. Ang iba naman ay dumaranas ng pang-aabuso.

Pinangunahan din ng mag-asawang Frasco ang “Pasko Tree Lightning Ceremony” sa Liloan.

Ibinida ng kongresista sa kaniyang mensahe ang mga nagging achievements nito ngayon para sa Liloan na nagbigay ng napakalaking tulong para sa mga residente dito.

AUTHOR PROFILE