
Rider na parak tigok sa truck
PATAY ang rider na pulis nang sumalpok sa truck ang kanyang motorsiklo noong Biyernes sa M’lang, North Cotabato.
Dead-on-the spot ang biktimang si Stephen John Lim Lavega habang arestado naman ang driver ng wing truck na si Jay–ar Serane.
Sa report ng Cotabato-PNP, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa national highway ng Barangay Sangat.
Iisa ang direksyon ng motorsiklo at wing van pero sumalpok ang motorsiklo nang mag-u-turn ang truck na dahilan ng pagkamatay ng pulis.