Dereck

Lovi at Piolo sunud-sunod ang gagawin sa ABS-CBN kahit kapipirma lang

September 17, 2021 Aster Amoyo 388 views

KAHIT kalalagda pa lamang ng dating Kapuso singer-actress na si Lovi Poe sa Kapamilya Network nung nakaraang Huwebes, September 16 same day na nag-renew muli ng kanyang kontrata ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual, nakalatag na agad ang TV series na pagtatambalan ng dalawa, ang local adaptation ng hit Korean telenovela na “Flower of Evil”. Ang original TV series ay tinampukan nina Lee Joon-ji at Moon Chae-won at kung saan din kasama sina Jang Gee-jin at Kim Ji-hoon at pinamahalaan ni Kim Cheol-kyu. The suspense melodrama series was aired in South Korea nung July 29, 2020 at tumagal hanggang Sept. 23, 2020

As to Piolo, dalawang TV projects kaagad ang sisimulan nito under his new contract. Bukod sa “Flower of Evil” TV project nila ni Lovi, may TV sitcom din silang gagawin ni Angelica Panganiban.

Excited naman ang fans ni Piolo sa muli nitong pagbabalik sa “ASAP Natin `To” na pansamantala niyang iniwan when he hosted “Sunday Noontime Live” on TV5 produced ng Brightlight Productions. Unfortunately, tumagal lamang ito sa ere ng tatlong buwan.

Pagdating naman kay Lovi, sobra itong excited sa kanyang pagiging Kapamilya at sa una nilang tambalan nila ni Piolo. May posibilidad ding ipasok si Lovi sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco na isa rin sa mga pangarap ng singer-actress na makapareha gayundin si Gerald Anderson.

Ngayong isa nang Kapamilya si Lovi, walang alinlangan na matutupad na niya ang kanyang pangarap na makatrabaho ang iba pang Kapamilya actors.

Samantala, parehong nasa balita ngayon ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual. Pinag-uusapan ngayon ang muling paglagda ng singer-actor sa Kapamilya network na naging tahanan niya for the last 25 years. Ang anak naman niyang si Inigo ay isa sa napiling lead actors sa upcoming musical-drama series ng Fox Entertainment, ang “Monarch” na pangungunahan nina Susan Randan, Trace Adkins, Anna Friel, Megan Holden, Beth Ditto at iba pa na pamamahalaan ni Jason Ensler ng “The Passage”.

Super proud ang singer, actor at producer na si Piolo sa bagong achievement ng kanyang unico hijo na si Inigo who will be playing the role of Ace Grayson, ang adopted son ni Nicholette `Nicky’ Roman to be played by Anna Friel.

Although malaki ang naging influence ni Piolo sa kanyang anak, Inigo is carving a name on his own (na sa Hollywood pa) bagay na ikinatutuwa ng Kapamilya hunk.

Richard at Lucy magsu-switch position

LAST term na ngayon ng misis ni Richard Gomez, mayor ng Ormoc City na si Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte kaya may mga lumutang na balita na tatakbo umano ito sa pagka-senador habang ang kanyang mister na si Richard ay muling tatakbo sa pagka-mayor ng hometown ni Lucy. Pero hindi pa man dumarating ang araw ng pagpa-file ng certificate of candidacy, nagbago na ang plano ng mag-asawang Richard at Lucy. Si Richard na ang tatakbo sa pagka-kongresista sa ika-4th district of Leyte habang si Lucy naman ang kakandidato sa pagka-mayor ng Ormoc. In other words, magsu-switch ng posisyon ang mag-asawa sa darating na halalan.

Back in 2010, Lucy was a reluctant politician dahil Goma ang siyang original candidate sa pagka-kongresista sa ika-apat ng distrito ng Leyte. Pero dinisqualify si Goma ng Commission on Elections (COMELEC) due to lack of residency kaya napilitan si Lucy na siyang tumakbo sa posisyon and won.

Maganda ang track record ng mag-asawa sa kanilang respective political career kaya malaki ang posibilidad na mahalal sila sa magkahiwalay na posisyon.

Samantala, ang 20-year-old na anak nina Richard at Lucy na si Juliana ay nasa third year college na ng Public Administration sa University of the Philippines kung saan din nagtapos ang kanyang ina. Dahil sa kursong kinukuha ni Juliana, hindi malayong pasukin din nito ang pulitika balang araw just like her famous parents.

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen

MALAPIT na ang kasal ng engaged couple na sina Derek Ramsay (44) at Ellen Adarna (33) na nakatakdang mangyari bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Derek and his family made the traditional `pamanhikan’ with the family of Ellen na nangyari sa Siargao nung nakaraang Wednesday, September 15.

Wala sa pamanhikan ang teen-age son ni Derek sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na si Austin dahil kasalukuyan itong nasa Dubai kung saan naka-base ang kanyang ina.

The couple announced their engagement nung March 30, 2021 one month after confirming their relationship. Ang (un) friend ni Derek na si John Estrada ang nagpakilala sa dalawa.

Samantala, since kay Derek na nakatira ang mag-inang Ellen at three-year-old son nito sa actor na si John Lloyd cruz na si Elias Modesto, the boy treats his Tito Derek just like his second father. Super close din ang bata kay Derek at sa kanyang pamilya. Si John Lloyd naman ay hindi nagpapabaya sa kanyang obligasyon sa kanyang anak na madalas din niyang sinusundo sa bahay mismo ni Derek.

Ynez ayaw magpakasal AWARE ang dating sexy star na si Ynez Veneracion na marami siyang mga kasamahan sa industriya ang walang trabaho at hirap sa kanilang pamumuhay pero nagpapasalamat naman siya dahil kahit papaano’y nakaka-survive siya sa daily grind ng buhay kasama ang kanyang dalawang anak na sina Princess Keilah (10) at ang more than one-month old baby na si Jianna Kyler. Si Princess Keilah ay anak ni Ynez sa kinatawan ng Maguindanao na si Esmael `Toto’ Mangudadatu na naging kasintahan niya nung ito’y gobernador pa ng Maguindanao. Ang kanyang bunsong anak na si Jianna ay anak naman niya sa kanyang present boyfriend, ang 27-year-old na si Bryan Julius Recto who is 15 years her junior.

It’s an open secret na ang dating child wonder na si Nino Muhlach ang kanyang first love. Pero itinuturing ni Ynez na naging greatest love umano niya ang character actor na si Mon Confiado na naging kasintahan niya sa loob ng 17 years.

Hindi man silang dalawa ang nagkatuluyan sa totoong buhay, naroon pa rin ang closeness ng dalawa hanggang ngayon. Ultimo ang eldest daughter ng aktres kay Congressman Mangudadatu na si Keilah ay parang second dad ang turing sa aktor at parang anak naman ang turing sa bata ni Mon na madalas niyang hiramin kay Ynez. Up to this time ay hindi pa rin nag-aasawa si Mon na minsan ding na-link noon sa dating aktres na si Juliana Palermo na may asawa na ngayon at may dalawang anak. Samantala, dalawang beses nang inalok si Ynez ng kasal. Una ni Cong. Toto at pangalawa mula sa kanyang present young partner na si Bryan Julius pero ito’y tinanggihan ng aktres.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

FamilyPiolobabae

AUTHOR PROFILE