Dereck

Ellen, binara ang mga ‘chismosang mema’

September 17, 2021 Vinia Vivar 419 views

Tapos na nga ang “pamanhikan” ni Derek Ramsay sa pamilya ni Ellen Adarna na ginanap sa Siargao kung saan ay nagsama-sama ang dalawang pamilya’t pormal na ngang hiningi ng aktor ang kamay ng fiancee sa mga magulang nito.

Makikita sa Instagram posts nina Ellen at Derek ang bonding moments nila with their families at kitang-kita na talagang enjoy sila.

Syempre, kasama rin nila ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias.

Sa recent post ni Derek ay nagpasalamat ang aktor sa masayang bonding na naganap sa kani-kanilang pamilya.

“@maria.elena.adarna you have a beautiful family. Mamanhikan is such a beautiful Filipino tradition and I’m so happy we were able to get our families together before our big day,” post ni Derek.

Samantala, sinagot naman ni Ellen ang isang netizen na pumuna kung bakit wala ang anak ni Derek na si Austin sa nasabing pamanhikan.

“If austin was here n the ph, he’d be with us. But he is in dubai right now FYI sa mga chismosa mema lang,” ang tila imbyernang paliwanag ni Ellen.

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo nina Ellen at Derek ang wedding date nila pero mukhang malapit na malapit na ito.

Sa mga larawang ipino-post nila, mararamdaman mo sa kanila ang happiness and excitement sa nalalapit na pag-iisang-dibdib.

Charity vlog

Naantig ang puso ni Luiz Manzano sa limang taong gulang na batang babae na nakita niya sa social media kaya naman naisip niyang tulungan ito sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.

Sa bagong vlog na in-upload ni Luis titled Guilty or not Guilty With My Barkada ay nagmakaaawa siya sa netizens na panoorin ito dahil ang lahat ng kikitain ay ibibigay niya kay Sopia Amano.

“VLOG FOR A CAUSE Hindi po ito clickbait, hindi po ito pa-cute lang. Wala po itong punchline sa dulo. But for today, nakikiusap po ako sa inyo to watch & share this vlog for Sopia Amano. Siya po ay isang batang babae na 5 taong gulang, nakalabas po ang kanyang tiyan. She needs our help. Lahat po ng kikitain ng vlog ko today ay ibibigay ko po sa kanyang family,” ang deskripsyon ni Luis sa kanyang vlog.

Sa simula pa lang ng video ay nakiusap na siya na sana ay panoorin ang video.

“Hi guys! Agad-agad, pakiusap ko sa inyo, please, panoorin n’yo ‘tong vlog na ‘to. Okay? Nagmamakaawa po ako,” aniya.

Ikinuwento niya kung paano niya nakilala si Sopia Amano.

Aniya, “One time, nasa social media po ako, may nakita po ako, isang batang babae, 5 yrs. old na si Sopia Amano. Nakita ko po, si Sopia, eh, nakalabas po ang tiyan.

“Dahil nagkataon po, si Sopia eh ipinanganak na walang butas po sa kanyang likuran. Kaya kailangang ilabas ang kanyang tiyan para malabas niya ang dumi niya.

“So, ang gusto ko po sanang mangyari, lahat ng kikitain ng vlog na ‘to ay ibibigay ko po sa kanyang pamilya. Dahil kung saka-sakali man ay kailangan niya po ng operasyon. Tapos, nabalitaan ko po na may kaunting komplikasyon pa si Sopia kaya medyo madami-dami o mahirap-hirap ang kailangang gawin para sa kanya,” pahayag ni Luis.

Pakiusap pa niya, “Please, kahit wala po kayong pakialam sa akin, okay lang. Wala kayong pakialam sa barkada ko na ilalagay ko sa vlog na ‘to, okay lang. Pero please, panoorin n’yo nang paulit-ulit, dahil lahat ng ‘to ay para sa kanya.”

Sinabi rin ni Luis na balak niyang regular na gawin ang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang vlog isa o dalawang beses sa isang buwan.

AUTHOR PROFILE