Default Thumbnail

Lineman nakuryente dedo

November 13, 2023 Jojo C. Magsombol 144 views

DEDO ang isang trabahador sa general construction matapos makuryente sa A. Mabini Ave., Brgy. Población 5, Tanauan City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ng Tanauan City Police Station chief ang nasawi na 31-anyos,
lineman, tubong Manito, Albay at kasalukuyang naninirahan sa Bgy. Banay-banay, Lipa City, Batangas.

Ayon sa report, nagkakabit ng powerline ang biktima sa isang grocery store bandang alas-10:30 ng umaga nang biglang may sumabog at nahulog sa hagdan ang biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima pero namatay din dahil sa cardio-respiratory arrest dahil sa pagkakakuryente, ayon sa report ng attending physician.

AUTHOR PROFILE