Posas

2 carnap suspek nasakote

November 13, 2023 Jojo C. Magsombol 147 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nasakote noong Biyernes ng mga awtoridad ang dalawang carnapping suspek sa entrapment sa Barangay Sabang, Lipa City.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Alex, ng Bauan, Batangas, at alyas Edison, ng Lipa City, ayon kay Batangas Police Office Provincial Director Police Colonel Samson Belmonte.

Natimbog ang dalawang suspek ng Bauan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Batangas Provincial Highway Patrol Team (HPT) bandang alas-6:00 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang Yamaha Mio na umano’y ninenok ng dalawa bandang alas-10:15 ng gabi noong Nob. 9, 2023 sa Brgy. Durungao, Bauan.

Nasa kustodiya ang dalawang suspek ng mga pulis habang inihahanda ang mga dokumento para sa kasong paglabag sa of RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

“Napakahalaga po ng pakikipagtulungan ng komunidad sa kapulisan upang mabilis na malutas ang mga ganitong krimen. Sinisikap po natin na maaksyunan agad ang mga ‘di kanais-nais na insidente sa ating pamayanan,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE