Mendoza Beep Transport Chairperson and President Atty. Vigor Mendoza II. File Photo

‘Libreng Sakay’ ititigil na

June 18, 2022 Jun I. Legaspi 530 views

MATATAPOS na ang serbisyong “Libreng Sakay” matapos mapaso na ang programa sa ilalim ng “Service Contracting Phase III” nitong Hunyo 1, 2022, ayon kay Atty. Vigor “Mr. Transportasyon” Mendoza II, chairman at presidente ng transport 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK).

Sa isang interview, sinabi ni Mendoza na ang mga apektadong ruta ng “Libreng Sakay” sa kanilang operasyon ay ang QMC (Quezon Memorial Circle) Loop, QMC-Lagro, Buendia at PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange).

Sinabi din ni Mendoza sa official notice na ipinadala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na “sa kawalan ng pondo ang dahilan kung bakit tinigil na ang ‘libreng sakay’ sa kanilang areas o routes.”

Ang sulat ay pirmado ni Project Evaluation Officer III Stephanie Velez Caparroso ng Program Implementation Unit-National Capital Region (NCR).

“Nagpapasalamat ang aming mga members sa libreng sakay, malaking tulong ito sa kabuhayan namin. Pero ngayon na tapos na ang ‘Free Rides’, sana bigyan na ng desisyon ng LTFRB ang aming hiling na taas pamasahe,” saad ni Mendoza.

Sa darating na Hunyo 28, 2020, Martes ay diringgin ng LTFRB ang P5 fare hike petition ng 1-UTAK at iba pang transport groups.

Dagdag pa niya, sa ngayon ay gumagawa ng mga “alternatibong” pamamaraan ang kanilang grupo upang matugunan ang kanilang mga kakulangan.

Isa dito ang 100% implementation ng BeepRide Cards (BRC) o “Anti-Kupit Card” o cashless transactions sa pamasahe at payagan silang magsakay ng “standing”.

Ayon kay Mendoza, ang kanilang mga units na gumagamit ng Anti-Kupit Card ay kumikita ito ng P8,000 per unit o increase sa kita, samantalang ang mga unit na tumatanggap pa ng aktwal na pera ay kumikita lang ito ng P4,600 o average na P6,300 – kaya may nawawala na P3,400 o P1,700 kada araw.

“Maging ang “standing passengers” kung papayagan ng LTFRB ay malaking dagdag na kita ito sa amin,” saad ni Mendoza.

Umaasa ang lahat ng transport groups na pakikinggan sila ng LTFRB para na rin sa kapakinabanganng libo-libong mga pasahero na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon araw-araw.

AUTHOR PROFILE