Inton

LCSP: Pagsuot ng face shield bawiin na

November 16, 2021 Jun I. Legaspi 358 views

PINABABAWI na ng commuter at transport group sa Quezon City Local Government ang City Ordinance sa mandatory wearing ng face shield.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), matapos maglabas ng kautusan siPangulong Rodrigo Roa Duterte na voluntary na lang ang pagsusuot ng face shield.

Nagpaabot ng pasasalamat ang LCSP kay President Duterte at Inter-Agency Task Force (IATF kaugnay sa nasabing isyu.

Ayon kay Inton, kung hindi pa alisin ang mandatory ordinance ng face shield posibleng abusihin ito ng mga abusadong traffic enforcers para sa pansariling kapakanan.

Nauna rito sinabi ni Inton nagsampa na ng ordinasa si QC Councilor Winnie Castelo para amyendahan ang City Ordinance 2964 o Mandatory Wearing of Face Shield subalit wala pang action dito ang siyudad.

AUTHOR PROFILE