Inton

LCSP: Optional na pagsuot ng face shield win-win solution

November 10, 2021 Jun I. Legaspi 298 views

INAYUNAN at 100% suportado ng commuter at transport group ang executive order na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno na non-mandatory na ang pagsuot ng face shield maliban sa mga hospital at medical facilities.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, sa panig ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), win-win solution ang gawing optional ang pagsusuot ng face shield.

“Sa totoo lang hindi face shield ang sagot sa hirap ng pagsakay kundi dagdagan ang public transportation para may masakyan ang taongbayan,” ani Inton.

Ayon pa kay Inton, nauna na rin nagpahayag nina Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Tito Sotto na huwag ng gawing mandatory ang pagsuot ng face shield. Ang taong bayan ay naghihintay naman sa decision ng Inter-Agency Task (IATF) tungkol dito.

Dagpag pq ni Inton na kung ire-require pa rin sa pasahero ang pagsuot ng face shield ay parang hindi rin ginawang ‘optional’ ang solution dahil halos lahat ng pasahero ay sa lansangan naman matatagpuan.

“Ganun din ang suma-total, kailangan din ng face shield! Kung luluwagan na ng IATF at Department of Transportation (DOTr) ang galaw at serbisyo ng public transport, bakit pag face shield ang pinaguusapan ay istrikto pa rin sila? Anong hiwaga mayroon ang face shield? Yun plastic barrier pwede nang wala. Nag-rekomenda ng 100 percent full capacity pero pinayagan ay 70 percent. Bakit pagdating sa face shield ay hindi mai-relax relax ang polisiya dito?,” ani Inton.

Sa totoo lang HINDI PAGSUOT NG FACE SHIELD ANG SAGOT SA HIRAP NG MGA MANANAKAY. Kailangan nang dagdag na sasakyan para mas marami ang makakasakay, saad ni Inton.

Iminungkahi ni Inton na tanggalin na ng ilang local government unit (LGU) tulad ng Quezon City ang pagmumulta o pagpapakulong sa mga walang face shield. “Naaabuso na lang talaga ito,” aniya.

AUTHOR PROFILE