LCSP: Gov’t agencies na humihingi ng dagdag na pondo dapat i-probe
MARIING hiniling ng isang commuter at transport group sa House of Representatives at Senado na magsagawa muna ng masusing investigation sa mga agency ng gobyerno na humihingi ng dagdag na pondo lalo na yung na-flagdown ng Commission on Audit (COA).
Sa interview iginiit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), dapat munang idetalye ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office (LTFRB-LTO) (CoA) kung nasaan ang billion pondo na ibinigay sa dalawang agency.
Ayon kay Inton, hindi biro P3 billion additional funds na hinihingi ng LTFRB at P2 billion naman additional funds ang hinihingi ng LTO.
Ayon sa sa report, kailangan umano ng LTFRB ang nasabing additional fund para maituloy ang driver’s assistance program at libreng sakay.
Ayon naman sa LTO, kailangan din nila ang additional funds para matapos nila ang backlog na car at motorcycle plates.
Sinabi ni Inton na marapat lamang munang busisiin at linawin ng mga lawmakers ang billiong mga isyu at kung sakali ngang dapat ibigay ang additional funds na hinihingi ng dalawang agency.
“Kung nasagot ang mga tanong ng (CoA) at nadetalye mabuti ang mga sagot kung dapat ibigay ang additional funds dapat sigurong ibigay.
Nauna rito kasamang na flagdown ng (CoA) ang (LTFRB at LTO) sa mga department at agency ng gobyerno dahil na rin sa mga nasabing billion pondo.
Umaasa si Inton, ang LCSP at mga kaalyadong transport at commuter groups na bibigyang prioridad ng mga lawmakers ang kanilang hiling para malinawan ang lahat.