LAptop

Laptop binunot ng mga holdaper sa dental clinic

April 22, 2024 Jojo C. Magsombol 72 views

NATANGAYAN ng mga MacBook Air laptop, HP, Acer laptops at marami pang valuables ang dental clinic sa Manila East Road, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal kamakalawa ng biglang pasukin ng dalawang holdaper.

Nakilala ang mga biktima na sina Dra. Nira Tubado Fajutagana, Ric Amiemae Blanco y Sausa at Ronalee Perol Alviar.

Bandang alas-3:00 ng hapon biglang pumasok ang dalawang holdaper na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Inutusan si Perol na dumapa sa sahig at tinalian ng mga alambre ang dalawa pang mga biktima.

Mabilis na kinuha ng mga suspek isang Iphone, Macbook Air laptop, isang HP laptop, isang Acer laptop, Iphone XR, Iphone 14, isang Vivo cellphone, North Face backpack na naglalaman ng mga IDs, isang Samsung A52; Casio watch, isang Samsung Note 20 at Timex wrist watch at mabilis na tumakas.

AUTHOR PROFILE