Rider File photo ni JONJON C. REYES

Senglot na rider tumilapon, todas

April 22, 2024 Jojo C. Magsombol 54 views

TODAS ang senglot na rider matapos mahulog ang kanyang motorsiklo sa Lipa-Ibaan road sa Brgy. Sampaguita, Lipa City, Batangas.

Residente ng Isaiah St., Brgy. Sampaguita ang natodas na si Frankie Marron Sisno, 38, ayon sa imbestigasyon.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng gabi namatay ang biktima sakay ng Rusi motorcycle (357 DCR) habang tumatakbo sa nabanggit na kalye.

Nawalan ang rider ng control sa steering handle at saka gumewang at sumadsad sa kalye.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima na isinugod sa NL Villa Medical Center kung saan siya idineklarang dead-on-arrival ng attending physician sanhi ng mga grabeng sugat na tinamo.

AUTHOR PROFILE