Crime

Lalaki utas sa 5 bala

February 26, 2024 Melnie Ragasa-limena 99 views

DEAD-on-the-spot ang isang lalaki sa limang tama ng bala sa Quezon City noong Linggo.

Residente ng Batasan Hills Quezon City ang biktima na si Rexie Catahay, 26.

Sa pagsisiyasat ni PCpl Wilbur Ramos ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang krimen dakong alas-9:50 ng gabi nitong Linggo sa Masaya St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag ng saksing si Joe Salonga, nasa bahay siya nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Tiningnan niya ang pinanggalingan ng mga putok at nakita niya ang nakahandusay na katawan ng biktima.