MTPB

Kotongerong traffic enforcers ituro n’yo, MTPB sa BAPTC Traders

January 19, 2024 Edd Reyes 109 views

INIMBITA ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang BAPTC Traders and Truckers Association Inc. na pumunta sa opisina nila para ipaliwanag ang sinasabing pangongotong sa kanila ng mga traffic enforcers para makadaan sa mga kalsada sa Maynila.

Pinarating ni Wilson Chan, Chief of Operations ng MTPB, matapos magreklamo sa media ang grupo ng mga vegetable dealers mula sa Benguet.

Ayon sa mga dealers, P2,000 kada buwan ang hatag sa mga traffic enforcers pagpasok nila sa sa boundary ng Maynila at Caloocan sa may R. Papa St. papuntang Jose Abad Santos Avenue para magbagsak ng mga gulay sa Divisoria.

Ayon kay Chan, wala silang sinisingil sa mga delivery trucks na may kargang pagkain lalo na kung gulay at iba pang perishable goods.

Gusto ni Chan makuhanan ng salaysay kung sino man ang nagrereklamo na sila’y kinokotongan.

Gusto din niya na ituro ng mga complainants kung sino sa kanilang mga traffic enforcers ang nangongotong para mabigyan nila ng karapatang parusa.

Nilinaw din niya na sumulat na sa kanila noong Enero 8, 2024 ang grupo ng BAPTC tungkol sa kanilang reklamo.

Ipinaliwanag niya na malayang makakadaan sa mga lansangan sa Maynila ng walang bayad ang mga sasakyang magde-deliver ng mga produktong pagkatin.

Pero sa oras na madiskarga na nila ang produkto, dapat lamang na gamitin na nila ang lansangang nakalaan para sa mga truck at hindi sa city roads.

AUTHOR PROFILE