Konsehal Dean Asistio nanguna sa survey sa Caloocan District 3

January 21, 2022 Edd Reyes 713 views

MULING nanguna sa survey bilang kinatawan ng bagong tatag na Distrito 3 sa Lungsod ng Caloocan si incumbent Councilor Dean Asistio.

Malayo ang lamang ni Asistio na nakakuha ng 68% laban kay dating Mayor Recom Echiverri na nakakuha lamang ng 27%, base sa resulta ng huling survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong Disyembre 16-23 2021.

Si Asistio na nasa ikatlong termino na ng pagiging konsehal ng lungsod ay kandidato ng Team Malapitan upang maging kauna-unahang kinatawan sa Kongreso ng Ikatlong Distrito.

Nagpasalamat naman si Asistio sa suporta at tiwala ng mga taga-Caloocan para sa kaniyang kandidatura.

“Maraming salamat po sa inyong nag-uumapaw na pagtitiwala at suporta mga Batang Kankaloo ng Ikatlong Distrito. Asahan niyo po na ang ating paglilingkod ay nakasentro sa pagbibigay natin ng tulong at malasakit sa mga mamamayan, higit na ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ni Asistio.

Matatandaan na namayagpag din si Asistio na halos doble ang nilamang laban kay Echiverri sa survey na isinagawa naman ng Actual and Comprehensive Evaluators, Inc.

AUTHOR PROFILE