Kim

Kim game makatrabaho si Xian sa GMA

March 22, 2024 Vinia Vivar 72 views

Ngayong nasa GMA-7 na ang “It’s Showtime,” bukas si Kim Chiu na makatrabaho ang iba pang Kapuso stars lalo pa nga’t hindi talaga maiiwasang magkaroon sila ng guests from the network.

Ayon pa kay Kimmy sa panayam sa GMA-7, gusto niyang makatrabaho sina Marian Rivera, Barbie Forteza, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Ruru Madrid.

“Now it’s time to try new things, experience new things, and do something new,” ani Kim.

At dahil nasa GMA-7 nga rin ang kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim, tinanong din ang Chinita Princess kung willing siyang makatrabaho ang aktor.

“Okey lang naman. Mag-guest siya sa ‘It’s Showtime’ or mag-prod siya. Hindi naman kami magkaaway,” sey ng aktres.

Well, who would have thought na ang dating ABS-CBN stars na sina Xian at Kim ay magkasama na ulit ngayon sa dating karibal na network?

Samantala, sa kanyang Instagram account ay nagpahayag din ng pasasalamat si Kimmy sa GMA-7 sa pagtanggap sa “It’s Showtime.”

“Forever grateful! Forever thankful! Maraming Salamat mga Kapuso! See you on April 6. 12nn,” pahayag niya.

AUTHOR PROFILE