Alien

Gabby ihahatid si Andi sa altar sa kasal kay Philmar

March 22, 2024 Vinia Vivar 120 views

Malapit na palang ikasal si Andi Eigenmann sa fiancé na si Philmar Alipayo.

Ito ang ni-reveal sa amin ng kapatid niyang si Gabby Eigenmann nang makatsikahan namin sa mediacon ng My Guardian Alien, comeback teleserye ni Marian Rivera.

Isa nga kasi sa mga napag-usapan namin ay kung paano siya tumatayong tatay kay Andi bilang nakatatandang kapatid mula nang nawala ang ama nilang si Mark Gil.

“Even when dad was still alive, never naman… like hindi man niya na-feel masyado na nandidiyan si daddy 24/7, I’ve always… andu’n ako.

“’Yung ako ‘yung sumasalo. Siyempre, tinutulungan ko ‘yung daddy ko, eh, para rin naman sa daddy ko ‘yun. ‘Ako nang bahala, susunduin ko para makita mo.’ ‘Yung mga ganu’n.

“So, I’ve never made her feel na empty siya, na wala siyang father, hindi, even when my dad was still alive,” sey ni Gabby.

Ngayon ngang wala na rin ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose, lalo pa niyang titingnan ang kapatid dahil siya na rin ang tumatayong ina nito.

“I’ll always be here, always. I will never leave by your side,” sey pa ng aktor.

Dito nga niya nabanggit na kapag ikinasal sina Andi at Philmar ay siya ang maghahatid sa kapatid sa altar.

“Siyempre, ‘di ba, engagaged sila, eh. One way or another, anytime soon, they’re gonna get married. Who’s gonna walk her down the aisle? Ako ‘yun,” he said.

Wala pa bang napag-uusapan kung kailan ang kasal?

“Meron na,” mabilis na sagot ni Gab. “Inaayos pa.”

Not only Andi naman, kahit kapag ikinasal din ang iba pa niyang mga kapatid ay ganu’n din ang gagawin niya.

“Kahit ikasal si Sid Lucero ngayon, ganu’n din gagawin ko. Ikasal si Max, ganu’n din gagawin ko,” dugtong pa ni Gabby.

Samantala, hindi pa rin siya nakaka-recover sa pagkamatay ng kanyang stepmom na si Jaclyn. Buti na nga lang daw at busy siya sa My Guardian Alien.

“Ngayon na back to work, okay ako. Saka sabi nga nila, life goes on,” he said.

Magsisimula na ang My Guardian Alien sa April 1, 8:50 p.m., sa GMA Prime mula sa direksyon ni Zig Dulay.

Kasama rin sa serye sina Gabby Concepcion, Max Collins, Kiray Cellis, Raphael Landicho, Marissa Delgado at marami pang iba.

SEN. BONG WALANG PAHINGA

Kahit napapanood si Sen. Bong Revilla sa telebisyon, ayon sa aktor/politiko ay sinisiguro naman niya na hindi niya napapabayaan ang kanyang trabaho sa Senado.

“Never akong umabsent (sa Senate sessions), perfect attendance po ako, never late, never absent,” proud na sey ni Sen. Bong sa isa sa recent live streaming sessions niya sa Facebook.

“Ganyan po kasipag ang inyong lingkod dahil siyempre, obligasyon ko ‘yun sa tao. Sakripisyo nga lang sa pangangatawan ko, but enjoy ako, eh, happy ako, eh. Nakakapagpaligaya ka, nakakatulong ka pa,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa aktor/politiko, for the past months ay talagang halos wala siyang pahinga kaya biro pa niya, “medyo titirik na ‘yung lolo mo.”

Pero masaya siya dahil nagbubunga naman nang maganda ang lahat ng kanyang mga ginagawang trabaho para sa bayan.

“Tulad niyan, napirmahan na ng ating mahal na Pangulo ‘yung ‘no permit, no exam’ policy,” he said.

Si Sen. Bong ang principal author ng “Anti-No Permit, No Exam Act” na nag-uutos sa lahat ng private at public schools na payagang kumuha ng examination ang estudyante kahit walang permit o in short, kahit hindi pa bayad ng tuition fee.

“Salat man ang kanilang bulsa, hindi naman magiging salat ang kanilang kaalaman. Let us continue to advocate for the Filipino youth so that they may reach greater heights. Wala dapat kabataang nangangamba na hindi makapag-exam, o kaya naman ay hindi maka-graduate, dahil lamang sa kakulangan ng salapi. Poverty should never cripple them and shatter their dreams,” sey ni Sen. Bong.

“Dapat din natin siguruhin na hindi mawawala ang pag-asa na sila ay makapag-aral nang mabuti at walang hadlang. Sa lahat ng pagkakataon, dapat ay buong-buo ang suporta natin sa kanila at sa kanilang edukasyon. Bigyan natin ng bagwis ang pakpak ng kanilang mga pangarap upang mas matayog ang maging lipad ng mga itinuturing nating pag-asa ng bayan,” dagdag pa niya.

Anyway, sa showbiz naman, nag-last taping day na nga si Sen. Bong sa kanyang weekly action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 at malapit na rin itong magtapos sa GMA.

Hindi lang namin sure kung makakapagpahinga na si Sen. Bong ngayong tapos na ang kanyang taping dahil napapabalita na ang paggawa niya ng bagong pelikula.

AUTHOR PROFILE