Guess

‘Laruan’ ng pabayang character actress naiwan sa hotel

March 22, 2024 Jun Nardo 75 views

PABAYA rin itong character actress (CA) pagdating sa kanyang personal na gamit. Magaling na artista si CA na puwede sa comedy at drama kahit support o guest lang siya sa isang show.

Kuwento ng aming source, nag-taping si CA out of town at sa isang three-star hotel tumira ang ilang support na artista.

Eh, nu’ng uwian, kanya-kanyang dala ng gamit ang mga artista gaya ni CA. Nang dumating na ang service para ihatid ang lahat sa airport, may naiwang gamit si CA na nakita ng isang staff ng hotel.

Hindi na inalam pa ng staff kung ano ang gamit. Basta inabot niya ito sa naiwang staff ng produksiyon na mas late ang flight.

Nang kapain ng production staff kung ano ang nakalagay sa maliit na pouch bag, parang nakapa niya ang tila personal na bagay na ginagamit para lumigaya ang isang babae o lalaki, huh!

Matapos dalhin ng staff ang bag at inabot kay CA, pangiti-ngiti itong nagsabi kay CA ng, “Pilya ka, ha! Gumagamit ka pala niyan!”

Smile-smile si CA sabay kindat sa staff.

Naku, pag-ingatan ang personal na gamit lalo na ang nagpapaligaya sa inyo, huh!

AKSYON KUNG AKSYON

AKSIYON kung aksiyon si Isko Moreno bilang Tiagong Dulas sa Black Rider ng GMA.

Wala kaming masyadong natatandaan na gumawa rin ng action movies si Isko. Cutie-cutie at sexy films ang mga natatandaan naming nagawa niya.

“Meron din akong ginawang action movies at nakasama ko nga ang ilang Seiko stars.

“Kaya naman nang ipagawa sa akin ang action scenes sa Black Rider, hindi talaga ako nagpa-double. Lundag ako nang lundag kahit maatas!

“Awa naman ng Diyos, maayos ko naman itong nagawa at walang take two,” sabi ni Isko nang makachikahan namin sa kanyang Scott Media Productions, producer ng Maritess University.

AUTHOR PROFILE