Gabby1

Gabby magaan katrabaho — Marian

March 22, 2024 Vinia Vivar 131 views

Finally ay natuloy na rin ang long-overdue na pagsasama nina Marian Rivera at Gabby Concepcion sa GMA-7 sa “My Guardian Alien” na siya ring comeback TV series ng Kapuso Primetime Queen after five years.

Matatandaang dapat ay si Marian ang gaganap na leading lady ni Gabby sa “First Yaya” pero nag-beg off ang aktres dahil hindi niya kinaya ang locked-in taping lalo pa nga’t one year old pa lang ang noo’y bunso nilang anak ni Dingdong Dantes na si Sixto.

Sa mediacon ng “My Guardian Alien” nitong Huwebes ay natanong si Yan kung kumustang katrabaho si Gabby at ayon sa aktres ay napakabait ng leading man.

“Napakagaan katrabaho. Parang, kumbaga, sa pagkain, walang itulak-kabigin sa kanya. Napakabait katrabaho, napakagaan katrabaho. At saka ‘yung mga moment namin, mahilig siyang mag-joke, eh. So ginagawa niyang light talaga ‘yung mga pagkakataon.

“Tapos may mga pagkakataon na na-appreciate ko siya na pinag-uusapan namin ‘yung mga buhay-buhay namin. Kaya nga ang tanong kung mayroon ka man gustong isang cast sa inyo na gusto mong magpalit kayo for one day, sabi ko siya (Gabby Concepcion) kasi nakita ko kung gaano niya kamahal ‘yung pamilya niya and ‘yun ang naa-appreciate ko sa kanya. Napakabuti niyang tao,” pahayag ni Marian.

Kung bakit ang nasabing serye ang napili niyang comeback project, ayon kay Yan, bago ito for her at pangalawa, pwedeng panoorin ng kanyang dalawang anak.

“Ito talaga ‘yung nagustuhan ko na sabi ko, ‘ay ang ganda nitong gawin kasi bago sa akin at sure akong mapapanood ng mga anak ko,” sey ni Marian sa grand mediacon ng ‘My Guardian Alien.’

“Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na kayang panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. Sabi ko nga, ‘eto na ‘yung time siguro na moment ko sa buhay ko na sa tuwing may gagawin ako, gusto kong maging proud ‘yung mga anak ko sa ‘kin,” paliwanag niya.

Dahil talagang nagustuhan niya ang proyekto, sey pa ni Yan, “Parang worth it lahat ang paghihintay ng limang taon para gawin ko ‘to.”

Magsisimula na sa April 1 ang “My Guardian Alien” at 8:50 p.m. on GMA Prime mula sa direksyon ni Zig Dulay.

AUTHOR PROFILE