Tigok File photo ni JONJON C. REYES

Trabahador nahulog mula kisame, tigok

May 8, 2024 Jojo C. Magsombol 72 views

ISANG lalakeng trabahador ang nasawi noong Martes matapos mahulog sa kisame ng isang gusali sa Tanauan City, Batangas.

Nagtungo umano noong Martes ang manager ng nasawi sa Tanauan Component City Police Station at ine-report ang naganap na insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, bandang alas-9:55 ng umaga ng Mayo 7, 2024 ay kinukuha umano ng biktima ang doormat na pinatuyo nila sa loft area o kisame ngunit natapakan nito ang malambot na bahagi na gawa sa manipis na bakal at gypsum board na nabasag na nagresulta sa aksidente.

Bumulusok pababa ang nasabing trabahador at bumagsak sa konkretong sahig.

Isinugod ang biktima sa emergency room ng Healthway Daniel Mercado Hospital, sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, ngunit idineklara itong patay dakong 8:20 ng umaga ni Dr. Coleen Dela Cruz, ang sumuring manggagamot.

AUTHOR PROFILE