Robb Larawan mula sa IG/Robb Guinto

Sirenang umakyat sa kayak

March 22, 2024 People's Tonight 123 views

CRYSTAL clear ang pagbabandera ng alindog ng Vivamax actress na si Robb Guinto sa kanyang bakasyon sa Boracay.

Sa isang Instagram post, pasabog ang pagbabandera ni Robb ng kanyang bikini body.

Lodi sa patakam ang sexy star sa iconic Boracay crystal kayak photo-op experience kung saan nagmistula siyang sirenang nagkatawang-tao.

Makikita pa ang pahiga-higa ng hot actress sa loob ng kayak suot ang kanyang two-piece swimsuit dahilan para mabuyangyang ang kanyang makikinis na hita at malusog na dyoga.

Binugbog sa halik ang katawan ni Robb ng sikat ng araw at pinatirik naman ng kanyang kaseksihan ang mata ng mga male fans.

Nagliwanag ang kanyang comment section dahil sa papuri at mga hirit ng netizens. Ito ang ilan sa kanilang mga komento: “Nanlalamang mashadwo!”, “Ginalingan mo naman. Pano ko mag bebeach nyan?”, at “Ganda naman ng View jan, lalo nat ikaw ang natatanaw.”

Nakilala si Robb sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang X-Deal 2, High (School) On Sex, Showroom, Virgin Forest, Afam, Boy Bastos at iba pa.

AUTHOR PROFILE