Default Thumbnail

Kelot tumalon sa 7th floor ng mall dedbol

November 10, 2023 Melnie Ragasa-limena 517 views

PATAY ang isang 25-anyos na lalaki nang tumalon mula sa ika-7 palapag ng isang mall sa Quezon City noong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Christian Loyola ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU)

nangyari ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa parking area ng Trinoma Mall sa Brgy. Bagong Pag asa, Quezon City.

Ilang saksi ang nakakita na umakyat ang biktima sa ika-7 palapag ng mall at bigla na lang lumundag.

Dead-on-arrival sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang biktima dahil sa injuries sa likod at ulo.