Default Thumbnail

School sa QC binulabog ng bomb threat

November 10, 2023 Melnie Ragasa-limena 156 views

BINULABOG ng bomb threat ang isang paaralan sa Brgy. Sangandaan, Quezon City noong Biyernes.

Bandang alas-8:00 ng umaga nang matanggap ang bomb threat sa pamamagitan ng FB page ng Dr. Lanting College na nasa 16 Tandang Sora Ave., Brgy. Sangandaan, Quezon City.

Ayon sa post, may bombang nakalagay sa main building ng eskwelahan kaya tumawag ang paaralan sa Hotline 122.

Agad na rumesponde sina PCpt. Ludovico Perez kasama ang mga taga Explosives and Ordnance Division na sina PEMS Riza Rodriguez at PMSG Oliver Catahay para beripikahin ang report.

Walang nakitang bomba ang mga awtoridad.