Crime

Kelot binurdahan ng bala sa QC, bulagta

February 5, 2024 Melnie Ragasa-limena 101 views

DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong armadong suspek Lunes ng madaling araw sa Quezon City.

Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t~ibang parte ng katawan si Jayson Rescator, residente ng Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nagsasagawa naman ng follow-up operations ang pulisya laban sa tatlong suspek na tumumba sa biktima.

Batay sa pagsisiyasat ni PCpl Nestor V Ariz Jr ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU, nangyari ang pamamaril dakong alas 3:30 ng madaling araw sa harap ng No. 704 Bohol Street, Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa salaysay ng saksi, naglalakad ang biktima nang biglang harangin ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo.

Matapos ito ay pinaulanan ng bala ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.