SAksak Dead-on-the-spot ang biktima matapos pagtulungang saksakin ng dalawang suspek na tumakas matapos ang krimen. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

Nakipagkantahan kay Kamatayan

February 5, 2024 Jonjon Reyes 165 views

TODAS ang isang 38-anyos na lalaki matapos umanong saksakin ng kanyang mga kainuman sa Baseco Compound Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Junifer San Buenaventura, walang asawa, residente sa Baseco Compound,Port Area,Manila.

Mabilis tumakas ang mga suspek na nakilalang sina James,23, residente sa nasabi ding lugar at Darwin, mula sa 5th Avenue, Caloocan City.

Ayon sa report ni Police Capt.Dennis Turla, hepe ng Homicide Section, na isinumite ng MPD-Baseco Station (PS-13), bandang 2 a.m. nang mangyari ang insidente sa roof deck ng apartment building sa Block 2,Lot 48, Newsite,Baseco.

Sa salaysay ng testigo, naalimpungatan umano ito at kumuha ng tubig sa harap ng inuupahang kuwarto nang marinig ang biktima at mga suspek na nag-iinuman habang kumakanta.

Makalipas ang isang oras, nakarinig na lamang ng malalakas na kalabog ito at nakitang nagmamadaling bumaba ng hagdan ang mga suspek mula sa roof deck na duguan ang katawan at damit.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa barangay 649 upang ipagbigay alam sa Baseco Police Station ang nangyaring insidente.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek na posibleng maharap sa kasong murder.

AUTHOR PROFILE