Alexa

KD, niregaluhan ng gitara ni Alexa

November 2, 2022 Vinia Vivar 144 views

Ibinahagi ni KD Estrada kung gaano ka-sweet at ka-thoughtful ang rumored girlfriend na si Alexa Ilacad. Isa raw ito sa positive traits ng aktres.

“Ang sweet niya magbigay ng gifts. She’s very thoughtful and she’s really good at gift-giving. Iniisip niya talaga kung ano ang gusto ng tao na ‘to,” kwento ni KD sa kanyang panayam sa Star Magic Inside News.

He revealed na binigyan siya ng gitara ni Alexa at labis itong na-appreciate ni KD.

“She bought me a guitar and siyempre bilang musician and gitarista, a guitar is a very thoughtful gift. Hindi ‘to ‘yung parang ah, kumuha lang ng gitara sa random guitar store, hindi. Pinag-isipan niya talaga kung ano ang gusto ko and it is really nice. It’a such a great blessing to have a person na binibigyan niya talaga ng thought ang gift mo,” pagmamalaki ni KD.

Asked kung ano na ang nagbago sa kanilang relasyon mula nang mabuo ang loveteam nila sa Pinoy Big Brother last year, ayon kay KD, mas nakilala niya nang husto si Alexa.

“A lot of things have changed. Individually, we are stronger people and better people. Marami na kaming experience. We get to know more about a lot of stuff here in showbiz because we learn from each other,” aniya.

“It’s a constant learning experience for the both of us. And together naman, so far we’re happy naman together and all we do right now is just enjoy the time,” dagdag niya.

Ano naman ang kanyang discoveries kay Alexa after a year of being together as a loveteam?

“What I discovered about her this year is how strong she is mentally, hindi lang physically, pero mentally and emotionally. She’s been going through so much stuff that kahit ako, hindi ko alam, but she handles it so well,” papuri ni KD sa ka-loveteam at rumored GF.

Pagmamalaki pa niya about Alexa, “She’s actually very kind and humble and a sweet person. If people got to know her more, I think, she would be such a great friend.”

CAST, IN-INSURE NG TIG-P1 MILLION

Naghuhulaan ang entertainment press hanggang ngayon kung sino ang binanggit ng direktor ng Mamasapano: Now It Can Be Told na si Lester Dimaranan na isang aktor na nagrereklamo sa kanya sa first day ng shooting.

“First day pa lang ng shooting, natapos ang shoot namin ng alas-singko ng madaling araw. Alas-sais ng umaga, may balita na akong narinig. Ayokong sabihin kung sinong artista, pero gusto nang mag-back-out,” kwento ng direktor sa ginanap na mediacon ng pelikula.

Isa raw sa mga reklamo ng aktor ay mahirap ang mga pinagawa sa kanya ng direktor at marami pang iba.

“Unang araw pa lang, nirereklamo na ‘ko, na mahirap ‘yung pinagawa ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi ‘pag pinalitan siya, mahihirapan na naman kami,” sey ni direk.

Isa pa raw naging problema niya ay ‘yung mga artistang matatapang na ayaw magpa-double sa delikadong action scenes.

“Ayaw nila ng stuntmen, sila ‘yung gumaganap. So, ‘yun ang naging problema sa akin, kasi nga, ‘pag may nangyari, siyempre, may mga sumasabog, gusto nila, sila ‘yung nasasabugan,” kwento pa ni Direk Lester.

Pero kinaya naman daw nila lahat ng challenges at natapos nang maayos ang pelikula’t heto na ngayon at isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.

Ayon naman sa producer na si Atty. Ferdinand Topacio, lahat ng cast ay ipina-insure niya ng P1 million pesos habang ang lahat ng crew ay kalahating milyon naman ang insurance each habang nagsu-shooting.

Marami ang nagtatanong na press kung sino ang reklamador ng aktor pero ayaw nang i-reveal pa ni direk.

Anyway, ang Mamasapano opens on December 25 in cinemas.

It stars Edu Manzano, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Paolo Gumabao, Marco Gomez, Allan Paule, Rey Abellana, Rez Cortez, Claudine Barretto, Ritz Azul and Myrtle Sarroza.

AUTHOR PROFILE