Barbie

Barbie ‘di pa maka-get over kay Diego?

November 4, 2022 Aster Amoyo 632 views

Barbie1

NANINIWALA ang marami na hindi pa rin nakaka-get -over ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kanilang separation ng Viva actor na si Diego Loyzaga kahit magi-isang taon na silang hiwalay nito. The ex-partners separated last December 2021 matapos ipalabas ang kanilang first movie together sa Viva Films, ang “Dulo” na dinirek ni Fifth Solomon at ipinalabas sa Vivamax streaming app nung December 10, 2021. Magkasama pa ang dalawa na dumalo sa private screening ng pelikula. They even went out of town to celebrate their first anniversary bilang magkasintahan.

Pero ang relasyon ng dalawa ay hindi na umabot ng Pasko at Bagong Taon.

Diego spent Christmas with couple Billy Crawford and Coleen Garcia and before the year was over ay lumipad ito patungong Amerika where he stayed for more than a month.

Pagbalik ng Pilipinas ay agad hinarap ni Diego ang sunud-sunod niyang projects under Viva Films.

Ayon sa balita, may kinikimkim umanong sama ng loob si Barbie sa Viva sexy actress na si Debbie Garcia dahil pinagselosan umano ito ng Kapamilya actress nung sila pa ni Diego. There was also a time na maging ang Viva sexy na si AJ Raval ay inaway-away din ni Barbie matapos nitong makatrabaho ni Diego sa isang pelikula where they had steamy scenes.

Sina Barbie at Debbie ay nagkita sa Tipsy Pig Gastropub in Quezon City last October 28 kung saan ay kinumpronta umano ni Barbie si Debbie, kinalmot sa mukha at pinagsalitaan ng masasakit.

Maraming witness sa nasabing insidente bukod pa sa CCTV camera footage na nag-viral.

Dahil sa nangyari, nagsampa ng kaso si Debbie against Barbie ng slight physical injury at grave oral defamation and grave slander by deed.

Agad ding naglabas ng official statement ang management company ni Debbie, ang Viva Artists Agency.

“Viva Artists Agency (VAA) does not condone of any act of violence. VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 29, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City. Debbie is set to lodge a complaint against the other person with the assistance of her counsel on November 2, 2022 (Wednesday),

“VAA believes that Debbie has been at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident. VAA howver kindly asks the public to refrain from further circulating copies of the video recording of the said incident on social media and allow the matter to be resolved legally.”

Since nasa pangangalaga si Barbie ng Star Magic ng ABS-CBN, mabigyan din kaya siya ng kanyang legal counsel or will let face the consequences of her actions by herself?

Vilma

Vilma nagka-Covid bago nag-birthday

LET us all be reminded na nasa paligid pa rin natin ang Covid at wala itong pinipiling taong dadapuan.

Star for All Seasons and former politician Vilma Santos-Recto admitted that she also caught up with the virus gaano man siya kaingat and she isolated herself sa kanyang mister na si Rep. Ralph Recto at anak na si Christian at mga kasamahan sa kanilang household. Nagkaroon umano siya ng asthma attack, pananakit ng ulo at nag-fluctuate ang kanyang BP. But she’s all cleared up now at pinasasalamatan niya ang kanyang mga doctor na nag-alaga sa kanya.

Ipinaalaala rin ni Vi sa patuloy na mag-ingat ang lahat. Vi celebrated her 69th birthday yesterday with her family. Inaasahan din ang pagiging aktibong muli ng aktres sa kanyang vlog maging sa kanyang showbiz career. She is soon to start her comeback movie under Reality Entertainment ng mag-business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

Si Vi ay 24 na taong nanilbihan bilang isang public servant. Nine years or three years term bilang mayor ng Lipa, Batangas, nine years bilang governor ng Batangas at dalawang termino bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas.

Ngayong pahinga siya sa pulitika, gusto naman ng misis ni Congressman Ralph Recto na pagtuunan ng pansin ang kanyang acting career which took the backseat nang pasukin niya ang public service.

Kung babalikan man niya ito balang araw ay tiyak na hindi siya mahihirapan.

Paolo

Paolo maganda ang takbo ng career

MAGANDA ang exposure ni Paolo Gumabao sa hit primetime action- fantaseries na ‘Mas Ravelo’s Darna’ na pinagbibidahan ni Jane de Leon bilang other love interest ng character ni Narda bukod kay Joshua Garcia who plays the role of Brian na isang police officer.

Proud din si Paolo sa kanyang character as Supt. Raymond Trian sa true-to-life story film na “Mamasapano (Now It Can Be Told)” na pinamahalaan ni Lester Dimaranan mula sa award-winning writer na si Eric Ramos under Borracho Films.

Hindi man si Paolo ang original choice for the character, he’s glad na ito’y napunta sa kanya.

Ito bale ang kanyang unang pagkakataon na gumanap sa isang true-to-life character at totoong pangyayari na siyang pinakamalaking balita hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo nung 2015.

“Mas mahirap gumanap sa isang totoong tao kesa isang fictitious character,” pag-amin pa ng 24-year-old actor at half-brother ng Viva actor na si Marco Gumabao.

Grateful din si Paolo na makatrabaho sa pelikula sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Allan Paule, Rey `PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Gerald Santos at iba pang bumubuo ng cast ng “Mamasapano” kung saan tampok din sina Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jervic Cajarop at Claudine Barretto.

Ang “Mamasapano (Now It Can Be Told)” is the only action and true to life movie na kasama sa walong kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2022 at magtatapos on January 7, 2023. Ang gabi ng parangal ay gaganapin sa December 27 habang ang taunang Parada ng mga Artista ay gaganapin on December 23 in Quezon City.

Ang “Mamasapano (Now It Can Be Told)” ay first major project ng Borracho Films na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio.

Ogie

Ogie magandang halimbawa

ISA kami sa makakapagpatunay kung gaano kabait at ka-professional ang OPM president, singer-songwriter, actor-comedian at host na si Ogie Alcasid dahil matagal namin itong nakatrabaho sa bakuran ng OctoArts International (recording) at sa OctoArts Films.

In my long stay at OctoArts, never kami nagkaroon ng problema kay Ogie na napaka-bait at napaka-professional pagdating sa kanyang trabaho at napakasipag mag-promote kapag may bago itong kanta o album o di kaya pelikulang ipapalabas.

He is also a good husband (to ex-wife Michelle van Eimeren at kanyang present wife na si Regine Velasquez) and father sa kanyang mga anak and a good provider as well.

Kahit nagmula si Ogie sa isang well-off family in Batangas, never namin itong kinakitaan ng kayabangan kundi napaka-simple nito at napaka-grounded.

Ogie was so devastated when he lost his dear father na si Heminio Alcasid, Sr. nung September 15, 2020 sa kasagsagan ng pandemya. But he remains a good son sa kanyang 90-year-old mother na niregaluhan pa niya ng brand new car on her birthday.

Very close din si Ogie sa kanyang mga kapatid and their respective families.

Magandang halimbawa si Ogie sa aspiring singers and actors dahil marunong itong magpahalaga sa kapwa at mga mahal sa buhay.

WATCH out for my exclusive interview with music icon, balladeer and

hitmaker Marco Sison on “TicTALK with Aster Amoyo” starting today, November 4 at 12 noon on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE