Paradise

Derrick at Elle, magbabakasyon sa Siargao

November 2, 2022 Jun Nardo 197 views

WALA pang relasyon dahil blossoming friendship pa lang ang mayroon kina Derrick Mansterio at Elle Villanueva na kapareha niya sa GMA afternoon prime na Return to Paradise.

Ayon kay Derick sa finale zoomcon ng series, nayayakap at nasasabihan niya ng, “I love you!” si Elle.

“Touchy lang ako. Siya rin naman nagsasabi ng ‘I love you’ sa akin. Ganoon naman kami,” sey ni Derrick.

Eh, gusto ba niyang maging girlfriend si Elle?

“Why not? Kung bibigyan ako ng chance. Kung ready na kaming dalawa,” sagot ni Derrick.

Katatapos lang ng isang breakup ng hunk actor kaya naman, “Gusto kong magkaroon ng time sa sarili. Focus sa work. Luckily, siya ang ka-loveteam ko.”

“Actually, sobrang nagugulat ako kasi sobrang open ni Derrick sa akin. Sobrang appreciative niya sa akin. Overwhelmed ako.

“Then, na-appreciate ko siya over time. He’s so genuine to me of what he’s saying. All I ask of him is to be transpent to me. ‘Wag akong lolokohin o bobolahin. Anything. Basta sa work, personal.

“Basta, be genuine with me to have a a harmonious relationship. True enough. Sobrang harmonious ang relationship namin.

“Hindi naman namin hinahanap ang boyfriend-girlfriend relationship but ‘yun na nga, sabi namin, we’re not closing any doors. Pareho kasing naka-focus kami sa career,” reaksyon naman ni Elle.

Naku, abangers na lang natin kung saan mapupunta ang closeness na ito nina Derrick at Elle na gustong magbakasyon sa Siargao.

HAPPY BIRTHDAY, ATE VI!

HAPPY, happy birthday sa love at friend naming si Vilma Santos, today, November 3.

Away from politics si Ate Vi ngayon pero may pahaging na siyang magbabalik sa showbiz.

Si Direk Erik Matti ang nakatakdang magdirek ng comeback movie ni Ate Vi na siguradong gusto niya ang story at role kaya napapayag siyang magbalik-akting.

Happy, happy birthday, Ate Vi!

AUTHOR PROFILE