Kawani Iniharap ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa mga mamamahayag ang mga kababayang nakaranas ng hindi makataong pagtrato sa isang pribadong hospital sa Valenzuela, kasama ang hepe ng ungsod na si Police Col. Salvador Destura, Jr. at Konsehal Bimbo Dela Cruz. Kuha ni JON-JON REYES

Kawani, sikyu ng ospital sa Valenzuela kinasuhan dahil sa ‘palit ulo’ scam

April 3, 2024 Edd Reyes 325 views

Kawani1Kawani2ILANG kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards, ang sinampahan ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Mismong si Valenzuela City Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team ng LAMP-SINAG ni Konsehal Atty. Bimbo Dela Cruz, at City police chief Col. Salvador Destura Jr. ang sumama sa mga biktimang sina Richel Mae Alvaro, 26. at Lovery Magtangob, 28, nang maghain ng magkahiwalay na kaso noong Marso 5 at Abril 1 makaraan umano silang pigilang makalabas ng pagamutan sa Brgy. Malanday hangga’t walang papalit sa kanilang kaanak para humanap ng salaping pambayad sa kani-kanilang bill.

Ayon sa alkalde, dinala ni Alvaro sa naturang pagamutan ang asawa bunga ng matinding karamdaman subalit binawian ng buhay noong Pebrero 14 sanhi ng mga komplikasyon.

Umabot sa P518,519.37 ang bill na babayaran ni Alvaro subalit hindi siya makakalap ng pambayad dahil pinigilan siya umanong makaalis at binawalan ding bumili ng pagkain hangga’t wala siyang kapalit na kaanak. Hindi rin umano ibinigay ang death certificate ng kanyang asawa hangga’t hindi nababayaran ang halaga.

Nagawa lang makalabas ng pagamutan si Alvaro nang ituro sa kanya ng isang kasama sa simbahan na kanyang hiningan ng tulong ang pintuan sa likurang bahagi ng ospital noon lang Pebrero 17 o makalipas ang tatlong araw kaya’t humingi na siya ng tulong sa alkalde.

Ganito rin ang nangyari sa magkapatid na Lovery at John Christopher matapos mabigong mabayaran ang halagang P777,378,00 na bill sa ospital makaraang mamatay ang asawa ng lalaki.

Pinayagan lamang umanong makalabas si John Christopher kung papalit sa kanya ang kapatid kaya’t ipinasiya niyang magsumbong sa pulisya at kay Mayor Wes.

“Hindi po dapat tina-trato ang ating mga kababayan ng ganito. Imbes na tulungan sila ng ospital lalu pa silang binibigyan ng pabigat at tinatrato ng masamam” pahayag ni Mayor Wes.

“Nanggaling na sa kanila ang “palit-ulo” statement natin, sila mismo ang nagsabi sa mga biktima na kung gusto nilang kumain, umuwi sa bahay, kailangan may dadalhin silang kamag-anak kapalit nila. Hindi tsutsupepeng ospital ito pero may sistema na sila sa loob at ito ang gusto kong i-crackdown at gusto kong ipaglaban na buwagin ang sistema nilang illegal detention,” dagdag pa ng alkalde.

Nilinaw naman ni Konsehal Dela Cruz na hindi kasama sa kinasuhan ang pamunuan ng naturang pagamutan dahil ang direkta lamang sangkot sa usapin na nakuhanan pa ng CCTV ay ilang kawani ang security officers.

AUTHOR PROFILE