Rape RAPE YAN, BOY–Inaaresto ng mga operatiba ng Binondo Police Station 11 ang papatakas na suspek na ito sa Pasay City dahil sa 3 counts ng panghahalay. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki huli sa 3 counts ng rape

April 4, 2024 Jonjon Reyes 65 views

NAKALAWIT ng mga miyembro ng Manila Police District- Binondo Police Station 11 ang isang lalaki dahil sa 3 counts ng panghahalay sa Pasay City noong Martes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng nasabing station, tatakas pa sana ang suspek na si alyas Danloyd na tubong Longos, Malabon pero hindi nakalusot sa mga pulis.

Nahuli ang suspek ng isilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, Women’s and Children Protection Section (WCPS) at Intelligence Section ng MPD Station 11 ang arrest warrant laban sa kanya.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Delight Aissa Salvador, Presiding Judge ng RTC Branch 29, Manila para kay Danloyd.

AUTHOR PROFILE