Dennis

Kasalang Jennylyn at Dennis hinihintay na

August 17, 2021 Aster Amoyo 767 views

HANGGANG ngayon ay naghihintay pa rin ang mga tagasubaybay ng magkasintahang Jennylyn Mercado (34) at Dennis Trillo (40) kung kelan magpu-propose ang huli sa kanyang girlfriend of more than seven years. Unang nagkaroon ng relasyon ang dalawa in 2010 pero nagkahiwalay sila the following year only to reconcile in 2015.

Pare-pareho nang may respective families and partners ang mga ex-boyfriends ni Jennylyn tulad nina Mark Herras, Patrick Garcia at Luis Manzano gayundin ang ina ng kaisa-isang anak ni Dennis na si Calix Andreas Ho, ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar.

Inakala nga ng marami na magpu-propose na si Dennis sa kanyang 40th birthday last May pero natapos ang magkahiwalay na kaarawan nila ni Jennylyn pero walang proposal na naganap.

Sina Jennylyn at Dennis ay parehong may tig-isang teen-age sons, si Alex Jazz kay Jennylyn (sa ex-boyfriend nitong actor na si Patrick Garcia) at si Calix Andreas naman kay Dennis (sa ex-girlfriend nitong si Carlene Aguilar). Alex Jazz turned 13 last August 16 habang si Calix naman ay magpu-fourteen on September 22 and they are close sa isa’t isa.

Is Dennis the marrying kind o mas gusto na niya ang set-up nila ni Jennylyn ngayon?

Relasyong Albert at Faith walang masama

AlbertAlbert1FaithSIXTY-year-old actor-director and widower Albert Martinez is being linked to his young co-star Faith da Silva (20) in GMA’s upcoming TV series “Las Hermanas”. Pero ang isyung ito ay hindi na-clarify sa actor sa recent digital presscon ng pelikulang “The Housemaid” na pinagsasamahan nila nina Kylie Verzosa, Alma Moreno, Jaclyn Jose and Louise de los Reyes na pinamahalaan ni Roman Perez Jr. and will be streamed on Vivamax and other digital platforms on September 10 dahil pinakiusapan ang mga invited entertainment media and vloggers na huwag magtanong ng personal questions.

Whether the rumor between Albert and Faith is true or not, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang single. Albert has been widowed of his late wife Liezl Sumilang-Martinez since March 14, 2015 with whom he has three grown up children na sina Alyanna, Alfonso and Alissa na may kani-kanyang pamilya na rin. Meron na ring tig-iisang apo sa kanyang tatlong anak ang veteran actor.

Faith credits her single mom in raising her and her sibling singlehandedly dahil matagal na itong hiwalay sa kanyang ama, ang dating actor na si Dennis da Silva na nasa kulungan serving his sentence for life.

Ang pagkakalapit umano nina Albert at Faith ay nagsimula sa lock-in taping ng baong drama TV series na “Las Hermanas” ng GMA na tinatampukan din nina Thea Tolentino, Yasmien Kurdi, Jason Abalos, Melissa Mendez Rubi Rubi, Madeleine Nicolas at Coleen Paz mula sa pamamahala ni Zig Dulay.

John kinakitaan ng husay sa pagdidirek

Coco & JohnMAY napapabalitang huling lock-in taping na umano ni John Prats na gumaganap as MSgt. Jerome Girona bilang miyembro ng Task Force Aquila ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil tututukan na umano nito ang kanyang pagiging director ng noontime program na “It’s Showtime”.

Kahit walang formal training sa pagdidirek – una sa live stage concerts na sinundan ng Christmas TV special ng ABS-CBN last December at ngayon bilang full-time director ng “It’s Showtime,” sobrang napabilib ni John ang marami including ABS-CBN management kaya siya na ang ginawang regular director ng top-rating noontime show.

Although wala pang official statement na ipinapalabas ang Dreamscape Entertainment at ABS-CBN hinggil sa situation ngayon ni John, gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang iwanan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” eventually.

Buwis mula sa vloggers makatutulong sa bansa

NAGPALABAS na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Revenue Memorandum Circular No. 97-2021 na lahat ng mga social media influencers na kumikita mula sa kanilang respective social media platforms ay kailangan nang magbayad ng buwis. Tiyak na milyun-milyong taxes ang kailangang bayaran laluna ang mga top celebrity vloggers ng bansa na pinangungunahan ng veteran broadcast journalist na si Raffy Tulfo. Kasama rin dito sina Ranz Kyle, Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Will Dasovich, Vice Ganda, Toni Gonzaga, Kristel Fulgar, Kim Chiu, Donalyn Bartolome, Alodia Gosiengfiao, Andi Eigenman, Judy Ann Santos, Heart Evangelista, Yeng Constantino, Buboy Villar, Lyca Gairanod, Chad Kinis, Beks Battalion, Bea Alonzo, Sanya Lopez , Korina Sanchez, Karen Davila, Boy Abunda at marami pang iba.

Bago matanggap ng vloggers ang kanilang pera ay bawas na rin ito ng taxes (abroad) maging iba pang deduction including bank charges for money remittances.

Siguro kailangan na ring i-tax ang iba’t ibang online sellers ng iba’t ibang produkto.

Kailangang makalikom ang pamahalaan ng additional money para pantugon sa iba’t ibang pangangailangan ng bansa laluna ang may kinalaman sa Covd-19 coranavirus concerns na patuloy pa ring nananalasa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Subscribe, like, share and hit the bell icon on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE