Katniel

KathNiel, naghahanda na sa pag-aasawa

August 16, 2021 Vinia Vivar 512 views

Pag-amin ni Daniel Padilla, minsan na siyang nagkamali sa girlfriend na si Kathryn Bernardo at pinatawad siya nito.

Sa panayam ni Daniel kay Boy Abunda sa online show ng TV host na The Purple Chair Interview Presents Daniel Padilla, isa sa mga napag-usapan nila ay betrayal in a relationship.

Tinanong ni Kuya Boy si DJ ng hypothetical question na kaya ba niyang magpatawad kapag na-betray siya.

“Yes,” ang sagot ni DJ. “’Pag ako ay trinaydor at may ginawang mali, kaya kong patawarin ‘yung tao na ‘yun kasi para sa akin din ‘yun, eh.

’Pag hindi mo ginawa ‘yun, wala, you’d be lost.”

At dito nga niya ni-reveal na nangyari na ito sa kanila ni Kathryn.

“That happened to me before at si Kathryn, pinatawad ako. Nagkamali ako before, I was a kid, I was stupid and still, tinanggap niya ako. At tinanggap niya ako nang buong-buo,” sey ni DJ.

Nine years na ang relasyon nila kaya natanong ang aktor kung ano ang advantage ng long-term relationship.

“Sa work kami, magkasama. After work, kami pa rin magkasama. ‘Yung beautiful dito is I’m always excited to see Kathryn. Kasi, ‘eto ang tawag ko, I’m a ship and she’s my anchor talaga.

“Siya ‘yung kaya ako steady kasi nandiyan ‘yung Kathryn para sa akin. Ganu’n ‘yung relationship namin ‘to Boy. Kailangan ko ‘yung tao na ‘yun. Mahal ko siya at kailangan ko siya,” pahayag ni Daniel.

At bilang matagal na nga ang kanilang relasyon, hinahanda na raw nila ang isa’t isa para sa kanilang future together.

“Now, tinuturuan namin ang isa’t isa dahil malapit na, eh. Ilang taon na rin naman kami. Sa future, pagdating ng panahon, siyempre, magsasama na talaga kami. Hinahanda na rin namin ‘yung mga sarili namin,” pagbabahagi pa ni Daniel.

Pati ang parents daw nila ay hinahanda na rin sila at tinuturuan na sila para sa kanilang future.

Asked kung paano sila hindi nagkakasawaan at sagot ni Daniel, “Ako, I’m no expert naman. Hindi ko alam, I just think… wala, eh. She’s the love of my life and I think, that’s it.

“We just give each other time. Like me, kakagaling ko lang ng Boracay. Binigyan niya ‘ko ng time with my friends, saka kapatid ko. Ganu’n lang. Bigyan natin ng oras ‘yung mga sarili natin.”

Dahil sa napakagandang mga sinabi ni Daniel kay Kathryn at sa kanilang relasyon, for sure ay kinilig na naman nang bonggang-bongga ang KathNiel fans.

IPINAHIYA

Malakas na ang kutob ni Tupe (Gerald Anderson) na si Peterson (JM de Guzman) ang bumaril sa kanya matapos magkasagutan sa binyag ng anak sa nalalapit na pagtatapos ng Init sa Magdamag, na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Tantiya niya na nakuha ni Peterson ito matapos tumakas noong gabing siya’y binaril.

Nagkasagutan ang dalawa nang paalalahanan ni Peterson si Tupe na siya pa rin ang asawa ni Rita at dapat nitong lumugar.

Binangga niya ito at napatid naman siya sa silya kaya nakita ni Tupe at Rita ang kanyang sugat.

Bago pa man nangyari ang sagutan, agaw-eksena na si Peterson sa binyagan.

Nang tanungin kasi ng pari kung sino ang tatay ni Andrew ay agad niyang sinagot na siya iyon.

Hindi pa nakuntento dito si Peterson — pinahiya rin niya si Tupe sa handaan na ikinagulat ng lahat ng bisita.

Dahil napansing pinag-aagawan ng dalawa ang kaibigan, inusisa ni Raymund (Albie Casino) si Rita kung ano na ba ang totoo nitong nararamdaman para kay Tupe.

Sinabi naman ni Rita na wala na raw talagang namamagitan sa kanila ni Peterson at malapit na ma-grant ang kanilang annulment, habang itinanggi nito na nanliligaw pa si Tupe sa kanya.

Panoorin ang huling buga ng Init sa Magdamag gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.

AUTHOR PROFILE