Joey

Joey, naunahan ang pagsulpot ni Jose Mari Chan

August 16, 2021 People's Tonight 388 views

PINALITAN ni Joey de Leon ang lyrics ng Pinoy Christmas song na karaniwang kinakanta ng mga caroler, ang Sa May Bahay.

May kinalaman ang kanta na manatili sa loob ng bahay ngayong dumarami muli ang biktima ng Corona virus at iba pang variants.

Kinanta pa nga ito ni Joey sa kanyang Instagram.

Parte ng lyrics ng kanta ng ginawa ni Joey ay, “Ang sanhi ng pagdami dito/ katigasan ng mga ulo/ nagsisiksikan na mga tao/ nakakalat kahit hindi bakunado.”

Bale ito ang pangalawang beses na nakagawa ng kanta si Joey dahil sa sitwasyon ngayon.

Kamakailan, ang lyrics naman ng kantang Rudoplh The Red Nose Reindeer ang nilapatan niya ng bagong lyrics.

Tungkol naman ito sa paghihikayat ni Joey sa mga tao na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Dahil dito, may mga netizen na nagsabing inunahan ni Joey ang pagsulpot ng Christmas memes ni Jose Mari “Mr. Christmas” Chan online.

SIMPLENG SELEBRASYON

TWENTY-FIVE years old na ang Kapuso artist na si Thea Tolentino last August 13.

Ibinahagi niya ang kanyang simpleng selebrasyon sa kanyang Instagram account.

“Iba ang birthday ko this year. Ang hirap i-describe ng feeling pero sobrang happy ako.

“Nakauwi ako in time for my birthday at nakapag-blow ng (candle sa) cake ay 12 mn with my family,” bahagi ng caption ni Thea.

Kabilang sa cast ng Kapuso series na Las Hermanas si Thea. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE