Lee1

K-DRAMA ACTOR, HINIHINALANG NAG-SUICIDE

December 27, 2023 Vinia Vivar 186 views

Natagpuang wala nang buhay ang South Korean actor na si Lee Sun Kyun, bida sa Academy Award-winning film na Parasite, nitong Miyerkules ng umaga sa loob ng kanyang sasakyan. He was 48.

Hinihinalang suicide ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.

Ayon sa report, natagpuan din sa sasakyan ang isang charcoal briquette na nakapagdudulot ng kamatayan due to carbon monoxide poisoning.

Bago ang kanyang pagkamatay ay under investigation si Lee for alleged use of marijuana and other drugs mula pa noong Oktubre.

Base naman sa ulat ng Yonhap, dumalo ang aktor sa third police investigation noong Dec. 23 to 24 na tumagal ng 19 hours.

Kilala bilang isang mahusay na aktor si Lee.

Bukod sa Parasite ay umani rin siya ng papuri sa kanyang pagganap sa mga Korean drama tulad ng My Mister, Coffee Prince, Pasta Miss Korea at Dr. Brain, among others.

Huli siyang napanood sa mga pelikulang Sleep at Project Silence ngayong 2023.

AUTHOR PROFILE