Yandong

Marian, Dingdong at Pepe, pambato ng ‘Rewind’ sa awards

December 27, 2023 Jun Nardo 316 views

NAGLABAS ng pasasalamat si Marian Rivera nu’ng Wednesday sa mga nanood at manonood pa ng festival movie nila ni Dingdong Dantes na Rewind.

“Maraming salamat sa lahat ng nanuod at manunuod pa lang ng #RewindMMFF,” ani Yan sa FB page niya.

Of course, sa unang araw ng MMFF last December 25, kumalat ang balitang malakas sa takilya ang Rewind kahit walang figures ng gross sales sa opening day.

Eh, ang patunay na malakas sa takilya ang DongYan movie ay ang pagdagdag ng mga sinehan kung saan ito showing, huh!

Napanood na namin ang movie at nagbayad kami. Ang galing-galing nina Dong at Yan pati na si Pepe Herrera na gumanap na Lods sa movie.

Kung papalarin, puwedeng tanghaling Best Actor si Dong at Best Actress naman si Marian sa Rewind, huh!

As of this writing, ilang oras na lang ay gaganapin na ang MMFF Gabi ng Parangal.

BAGSIK NI FRANCINE, LUMUTANG

LUMABAS ang bagsik ni Francine Diaz dahil sa ibinibintang sa kanya na diumano ay inagaw niya kay Andrea Brillantes ang napapabalitang boyfriend na niyang si Seth Fedelin.

Ang banat ni Francine, “Wala akong inagaw. Wala akong nilandi!”

Dahil sa pag-away kay Francine, dumepensa na si Seth na huwag na siyang idamay at tigilan na ang pag-bash sa kanya.

Wala pang pormal na deklarasyon sina Seth at Francine na may relasyon na sila. Pero sa ginagawa nila, ano pa ba ang iisipin ng mga tao?

Eh, di meron na nga silang relasyon.

AUTHOR PROFILE