Jak

Jak, nagiging touchy ’pag lasing — Ava… Vivamax star, ’di pumapatol sa lalaking may dyowa

December 27, 2023 Vinia Vivar 329 views

Nilinaw ng Vivamax star na si Ava Mendez ang kumakalat na larawan nila ni Jak Roberto na kuha sa isang event na nilagyan ng malisya ng netizens hanggang sa nagsanga-sanga na ang balita.

Isa sa issues na lumalabas ay nakuhan umano ng CCTV na hinatid ni Jak si Ava sa hotel room nito at matagal bago lumabas.

Siyempre, nagkakagulo ang fans ni Jak at ng girlfriend nito na si Barbie Forteza (JakBie) although marami rin naman ang hindi naniniwala na magagawa iyon ng aktor sa GF.

Sa isang TikTok video ng isang vlogger ay nagsalita na si Ava at nilinaw ang mga kumakalat na ispekulasyon.

Paliwanag ni Ava, may common friend sila ni Jak na nag-invite sa kanila sa birthday nito na ginanap sa isang five-star hotel.

Kasama umano niya ang mga kapatid niya, assistant at driver.

“Nag-iinuman, nagkakatuwaan na. Eh, si Jak, medyo nakainom na rin. ‘Yung una, may mga lumalapit sa kanya, ‘yung mga usherette na babae rin. So, siya naman, hindi naman siya isnabero,” kwento ni Ava.

“So, nakikipag-usap siya, nakikipag-interact siya, although wala naman akong nakikitang mali doon,” dagdag pa ng sexy actress.

During the party ay may mga nagpapa-picture sa kanila ni Jak at bawat table ay pinupuntahan nila.

“So, kung makikita n’yo, may kumakalat na picture na magkatabi kaming dalawa pero ‘yung mga kasama namin, mga naka-crop. So, ayun, ginawan na ng issue,” aniya.

Pinalalabas umano kasi na magkasama sila all throughout the party samantalang hindi naman ganu’n.

After that, aniya, balik sila sa kani-kanilang table at nag-inuman na sila.

Lasing na raw si Jak at sinasabihan na rin ng friends nila na alalay lang.

Tinanong si Ava ng kausap niya kung paano ba si Jak ‘pag lasing.

“Ano, eh, nagiging touchy na siya,” sabi ni Ava.

Hindi lang naman daw sa kanya kundi maging sa iba pa, pero ‘yung sa kanila ang nabigyan ng malisya.

Naiintindihan naman daw niya si Jak dahil nakainom nga.

Pauwi na umano sana sila pero nag-insist ang birthday celebrator na ikuha na lang silang lahat ng hotel room dahil mga lasing nga sila.

Para makapag-relax muna at saka na lang umuwi ‘pag hindi na sila lasing para safe silang lahat.

Habang papunta raw sila ng elevator ay may mga nakakita na parang naka-hug si Jak sa kanya na paliwanag niya ay hug lang naman na pang-kaibigan.

“Kasi lasing, eh. Lasing talaga siya, bangag talaga siya,” she said.

Siyempre, akala raw ng mga nakakita ay niyayakap at hinahalikan siya ni Jak.

“Wala namang ganu’ng senaryo na nangyari,” paglilinaw ni Ava.

Ayon pa sa sexy star, pwede ring tanungin ang iba pa nilang mga kasamahan kung hindi naniniwala sa kanyang kwento.

Sey pa ni Ava, hindi niya gusto ang aktor at hindi siya pumapatol sa mga may dyowa na.

AUTHOR PROFILE