Micaella Raz Larawan mula sa IG/@micaellaraz

Micaella Raz lumaylay ang sando; netizens nagkagulo

December 27, 2023 People's Tonight 194 views

HOTNESS overload ang hatid sa netizens ng Vivamax actress na si Micaella Raz matapos niyang ilaylay ang suot na sando.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan para ipakilala ang kanyang karakter para sa pinaka bago niyang proyekto.

Tampok si Micaella sa isang Vivamax original film na pinamagatang Bedspacer sa direksyon ni Carlo Obispo. Makakasama niya sa nasabing proyekto sina Christine Bermas, Aria Bench, at Aila Cruz.

Makikita sa nasabing mga larawan ang todo-awrang si Micaella habang nakaupo sa sofa, suot ang isang maluwag na sando, kasama ang sumisilip niyang panloob.

“Who’s excited to meet Lexi Mentirosa?” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.

Pinagkaguluhan naman ng netizens ang nasabing larawan ni Micaella.

May ilan pa ngang nagsabi na kahawig niya ang Filipino-British model at host-actress na si Georgina Wilson.

“Grabe ka naman po ms lex.”

“Ready na kami lexi.”

“Wow so sexy mica and beautiful.”

“Georgina Wilson lookalike.”

“Grabe ka naman.

Nakilala si Micaella sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Sabel Is Still Young (2022), Boso Dos (2023) at Virgin Forest (2022).

AUTHOR PROFILE