Default Thumbnail

‘John Lloyd Cruz’ tiklo sa ilegal na droga

July 26, 2022 Jonjon Reyes 425 views

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit (SADEU) ng Manila Police District (MPD) ang isang 19-anyos na kapangalan ng sikat na aktor na si “John Lloyd Cruz” matapos mahulihan ng shabu sa San Andres Bukid, Maynila nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng pulisya, kahina-hinala umano ang kilos ng binate kaya ito sinita at matapos makapkapan, nadiskubre ang tatlong plastic sachet ng shabu.

AUTHOR PROFILE