Lacuna Si Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan.

Mayor Honey itinanghal na No. 1 sa ‘Top 10 Best Dressed’ sa SONA

July 26, 2022 Edd Reyes 660 views

ITINANGHAL bilang nangunguna si Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan sa “Top 10 Best Dressed” sa nakaraang SONA (State of the Nation Address) 2022 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ginanap sa Batasang Pambansa noong Lunes.

Suot ang isang violet Filipiniana na may ka-ternong face mask ang nagpatingkad sa kaanyuan ng alkalde nang dumating sa Batasang Pambansa, kasama si Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto na nakasuot naman ng violet na barong tagalog na may traditional na burda upang dumalo sa SONA.

Pangalawa naman sa itinanghal na “Best Dressed” si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez na dumating, suot ang idinisenyong damit ni Randy Ortiz, kasama ang asawang si Leyte Rep. Richard Gomez at anak na si Juliana.

Nasa ikatlo sa listahan sina Heart Evangelista na suot ang idinesenyo ni Mark Burmgarner, pang-apat si Angelica Revilla na ang damit ay ginawa ni Rob Ortega at pang-lima si Bernadette Barbers na gawa naman ni Paul Cabral ang damit Filipiniana.

Ginawaran din ng Fashion Pulis sina Cong. Len Alonte, Kathryna Yu-Pimentel, at Senator Nancy Binay na pawang dinesenyo ni Michael Leyva ang kasuotan na nasa ika-anim, ika-pito at ika-walo sa listahan ng Top 10 Best Dressed.

Sina Usec. Emmeline Aglipay-Villar naman na suot ang damit na idinisenyo ni Lulu Tan-Gan at Marga Nograles na nakasuot naman ng Kaayo Modern Mindanao ang nahirang sa pang-siyam at pang-sampu ng Fashion Pulis.

AUTHOR PROFILE