TVJ

Joey ’di feel maging National Artists ang TVJ

March 25, 2024 Vinia Vivar 60 views

Hindi feel ni Joey de Leon na maging National Artist.

In an Instagram post yesterday, sinabi ng Henyo Master na may nagsa-suggest na gawing National Artists ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto and Joey) pero tahasan niyang sinabi na ayaw niya at ibang title ang gusto niyang ibigay sa kanila.

“May nag-suggest gawin na raw kaming National Artists pati Eat Bulaga. Sabi ko WAG NA. Gawin nyo na lang kaming FUNCTION ALL ARTISTS!” sey ni Henyo Master.

Katwiran niya, “Eh, kasi we’ve covered nearly everything — radio, TV, newspaper, recording, movies, arts, politics, etc.”

Sa comment section ay marami ang nagsabi na deserve ng TVJ na maging National Artists.

“Yes dapat naman talaga National Artist ang nararapat sa inyong tatlo TVJ Deserve nyo yun,” sey ng isang netizen.

“Deserved ang National Artists. TVJ is icon na for TV & Movies,” komento naman ng isa pa.

“Dapat hanggat buhay mabigay na ang pagiging national artist everything started with TVJ, noontime show, grooming other talents, radio, politics, hosting, music, spoofing songs, ang dami nang nagawa,” comment naman ng isa pang IG user.

Samantala, aside from TVJ, lumulutang din ang mga pangalan nina Regine Velasquez at Lea Salonga for the National Artist recognition.

AUTHOR PROFILE